Kabanata 5

23 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa loob ng AVR dahil dito daw kami mag-me-meeting, nakaupo kami ngayon dito, habang hinihintay ang iba pang Year level, Hinihintay pa kasi namin ang iba pang mga Firs year bago magsimula.

Sila daw kasi ang kinakailangan, dahil sila ang hindi nakakaalam sa mga patakaran at regulations ng Arts Club. Kasama narin ang mga Transferee dapat nandoon rin mismo.

Hindi ako masyadong makapag-pokus dahil binabagabag parin ako nong Diary na nakita ko. Parang may Something talaga yon. At isa pa yung pangalan na nakalagay sa likod ng libro.

Para kay Estella Magdalo Salazar

Sino naman kaya si Estella na yon? taga San Rafael ba yon?

Kanino naman kaya itong Diary na to?

Naguguluhan na ako sa kakaisip, hindi ko pa nga nalaman yong Spanish word na yon. Dumagdag pa itong pangalan ni Estella

Kay Estella ba itong Diary?

Ay hindi dahil Para nga pala kay Estella to? Ano bayan dumadami naman ang pangitain ko, bakit ko ba kasi binibigyan ng interes itong Diary nato.

" Hayy nako Cozy, may nakikita kaba na hindi namin nakikita? Bakit ka nakatulala kay Stella?"

saad ni Beth, kanina pa raw kasi niya ako kinakausap tapos nakatulala pa ako kay Stella yung kaklase naming apat ang mata. Remember yong tinanongan ko na hindi ako sinagot.

"Beth nahihiwagaan kasi ako kay Stella Cruz, bakit mag-isa lang siya? Wala ba siyang Kaibigan? Tapos hindi pa niya inaayos yung sarili niya."

Nagtatakang sabi ko, mula kasi nong pumasok ako dito. Hindi ko siya nakita na nakikipagsalamuha sa iba ko pang kaklase. Palagi lang siyang nakatutok sa libro niya. Kung minsan may ginuguhit siya na hindi namin maintindihan.

Palagi lang siyang nag-iisa. Pero matalino naman siya dahil siya lang halos lahat nakasagot ng mga tanong ng aming guro.

Kahapon, nagtanong sa kanya yong isa naming kaklase tungkol sa pinapagawa ni Maam Ann.

Nahuli kasi kami kahapon sa second subject namin, pati na rin yong iba pa naming kaklase. Ang naiwan lang kahapon sa classroom namin ay si Stella. Dahil hindi naman umaalis palagi.

Pagkatapos kasi namin kumain  ni Beth sa Canteen, nag-aya naman siyang pumunta daw ng Gym, kasi may titingnan daw siya. Ayon na-late kami

Tinanong siya ni Monica, yong kaklase namin tungkol sa pinapagawa ni Maam, sinagot naman niya si Monica kaso nga  lang hindi namin maintindihan dahil gumamit ba naman ng sign language.

Paano naman namin maintindihan yon Aber! Hindi naman siya pipi. Talagang may deperensiya rin si Stella sa ulo, ngunit mas Malala lang siya kaysa sa amin. Ahahaha Hala siya!

Ayon pumunta nalang kami kay Maam Ann, at humingi ng pasensiya. Sinabi niya na plinano raw namin na hindi daw kami pumasok sa subject, halos wala ba naman kaming lahat.

Ayon winarningan naman kaming lahat. Hindi daw maganda sa isang College Student ang ma-late sa klase, dahil hindi naman daw kami High School student.

Maliban sa binigay niya sa amin ang takdang aralin, pinasulat pa kami ng 500 words na.

I will not be late in my second subject anymore

“ Hayaan mo nalang siya Cozy, hindi rin matinong kausap yan. Baka gamitan ka naman ng Sign language, kung sakaling kausapin mo siya Hahahaha "

Natatawang usal niya, naalala niya rin siguro ang nangyari kahapon

“So, ano ang sinabi ni Lolo Estong pumayag ba siya?"

FIRST LOVE DIARY (San Rafael series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon