Kabanata 9

15 2 0
                                    


Lumipas ang buwan. Busy naman kami ngayon sa midterm, next week na kasi ang exam. Konti nalang rin at marunong na ako mag-spanish. Tinuturuan kasi ako ni Curt, this past month. Sa art club niya ako tinuturuan, may office kasi siya don. Si beth naman tinutukso ako kay curt, hindi ko daw sinabi sa kanya na close daw kami ni Curt.

Aba malay ko ba! Hindi naman big deal yon. Minsan sinasamahan niya rin ako, pero sa labas lang siya ng office nagpipinta. Ang gaga sinabi pa sa mga kaklase namin na may namamagitan sa amin ni Curt. Ayon panay pasok nila sa art Club, sinisilip pa kami kung minsan sa loob. Hindi ba pwedeng friendly lang talaga ako. At isa pa hindi naman masama kung magkaibigan kami.

Tinuturuan rin ako ni Curt kung paano ang tamang pag-blend. Ayon nakuha ko rin naman. Parang Kuya rin naman ang trato ko sa kanya. Katulad kasi sila ni Kuya Mike, nakukuha ko kaagad ang tamang proseso. Minsan nga lang napipikon ako sa kanya, Palagi kasi niyang sinasabi kong interesado ako sa kanya. Iniirapan ko lang siya bilang tugon. Nakakabwisit! Baka isipin niya may crush ako sa kanya. Witty siya kung kayo lang dalawa, pero kapag marami seryoso siya, tahimik lang na gumagawa.

Hindi siya nakikipagbiruan ganon. Kaya takot silang biruin si Curt. Baka daw ma-badtrip. Mabuti nga pinagtitiisan niya ang ugali kong madaldal.

Kung minsan nga pumapasok si Brave sa opisina niya upang ibigay ang mga gifts ng mga fans niya dito sa Campus. Ang loko hindi pinapansin kung kaya kami nalang ni Brave ang nag-bebenefits ng mga chocolates. Minsan may ka-call rin siya. Ang busy talaga ng life niya. Marami kasing pinapagawa na paperworks ang adviser namin sa club, kaya stress ang kuya niyo. Minsan tinutulungan ko rin siya.

Hindi naman siya nagrereklamo. Ako ang nag-piprint habang ang ibang mga officer ay busy sa pag-tatype sa laptap nila. Napag-alaman ko kasi na may Art Gallery. So that they prepare for it. And also for our Team building dito sa Art Club pagkatapos nalang daw ng Art Gallery. Paplanohan ulit nila. Na-excite naman ako ng marinig ko yon.

"Hoy Cozy, may crush ka kay Curt noh! Aminin mona halata ka kasi!" Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Brave, umiinom kasi ako ng tubig pagkasabi niya. Nandito kami ngayon sa Art Club, magkatabi kaming nagpipinta. Habang nasa loob naman si Curt ng office niya, transparent kasi kaya makikita namin kung anong ginagawa niya. Busy siya ngayon sa mga papers.  Buti nalang hindi nabasa ang Artwork ko.

"Ano ka ba Brave! Ginugulat mo naman ako sa tanong mo. Magkaibigan nga lang kami ni Curt. Walang malisya. Tinutulungan niya lang ako kung paano mag-spanish" I said, pero parang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko

"Baka ikaw ang may-crush sa kanya?"

balik kung tanong sa kanya. Nakita ko naman siyang namumula, sabi ko na nga ba may hidden desire din siya sa presidente namin.

"Crush lang naman friend, ang cool niya kasi, tingnan mo" usal nito, napatingin naman kami pareho ni Brave sa kanya na umiinom ng tubig habang ang isang kamay niya ay may hawak na ballpen. Hindi Brave ang Hot niya. Hala siya! Napalaki naman ang mata ko sa iniisip ko.

"Napaka-committed niya, Hindi ko nga alam kung may Girlfriend nayan, palagi kasi siyang busy. Kasama niya palagi ang ate niya na kumakain. I dont know kung may nagugustuhan siya"

Dagdag niya pa. Oo nga noh! Marami siyang admirer, pero wala naman siyang pakialam. Talagang busy siya sa mga ginagawa niya.

Nauna na akong lumabas kay Brave may pasok pa kasi ako. Doon kasi sa library si Beth, may hinahanap na libro tungkol sa Arts. Malapit na kasi ang exam kaya busy rin kami ngayon sa pangangalap ng mga notes. Napaka-passive kasi naming magsulat. Magpapa-photocopy nalang kami.

FIRST LOVE DIARY (San Rafael series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon