Kabanata 6

21 1 0
                                    

"Ano ba ang nangyari sayo kahapon at namamaga naman yang mata mo?" Saad ni Beth sa akin

Nandito kami ngayon sa Art Club  gumagawa kasi kami ng Painting, Open kasi ang Club, kung sino man ang may gustong magpinta o magguhit.

Kompleto rin ito sa mga Materials, kagaya ng Oil paint, canvas, Acrylic, Ibat ibang klase ng lapis, mga brushes at iba pa.

Dalawa lang kami ngayon dito, Pagkatapos kasi naming mananghalian, pumunta kami kaagad dito matagal pa naman ang oras  bago ang susunod namin na klase.

" Wala , Namiss ko lang si Lola"

pagdadahilan ko sa kanya at naniwala naman siya sa iniusal ko

" Siguro naman makakapunta na tayo ngayon Kay Lolo Estong "

bigla niyang sabi , Oo nga pala muntik ko naman makalimutan na may gusto pala akong malaman. Hindi parin kasi nag-sisink-in sa utak ko ang nakita ko kahapon, nasasaktan ako kahit hindi pwede.

Tiningnan ko muna ang bag ko kung nadala ko ba ang Diary, at nandito naman, akala ko kasi naiwan ko sa bahay

"Ah oo nga pala, Pagkatapos nalang ng klase natin"

Ipinagpatuloy lang namin ang ginagawang pagpipinta at pumasok na kami ng klase.

Pagkatapos ng klase namin sa Art Appreciation, pumunta na kaagad kami sa Bahay ni Lolo Estong.  Malapit lang sa plasa ang Bahay ni Mang Estong at hindi naman kalayuan sa Paaralan.  Kumain muna kami ni Beth ng Kwek-Kwek at Sago sa plasa, may nagtitinda kasi doon.

Nang makarating kami sa Bahay ni Mang Estong, naabutan naman  namin siya na nagluluto ng mga kakanin. Mukhang mapapasubo naman ulit ako nito. Mag-isa lang si Mang Estong sa kanyang bahay.

Nasa ibang bahay kasi tumitira sina Beth kasama ang Pamilya niya, dalawang bahay lang naman ang pagitan nila mula sa bahay ni Mang Estong.

"Magandang Hapon Lolo Estong"

  usal ni Beth at agad naman siyang nagmano. Nagmano na rin naman ako sa kanya, respeto na rin sa mga nakakatanda.

"Nandiya kana pala Bebay, Tamang tama dahil luto narin ang Inday-Inday at Betso-Betso na ginawa ko. "

Parang tutulo naman ang laway ko sa sobrang dami ng niluto ni Mang Estong. Napag-alaman ko kasi  kay Beth na nagtitinda ng Kakanin si Mang Estong sa Plasa, kung minsan sa Simbahan at kung saan maraming tao.

Kaya pala ganoon nalang karami ang ginawa niya, Akala ko tuloy pinaghandaan niya ang pagdating ko.

Hala siya! Hahahaha

"Siya nga pala Lo, kasama ko po ang kaklase ko yung kinuwento ko sayo noong isang araw na magpapaturo ng Spanish este magpapasalin pala ng Spanish to Filipino. Ito po siya Lo si Cozy, bago lang rin po siya dito sa San Rafael."

Pagpapakilala ni Beth sa akin

"Magandang Hapon po Lolo Estong"

usal ko, napangiti naman si Lolo Estong.

Sinabi sa akin ni Beth kanina na 75 years old  na siya, ngunit  nang makita ko siya ngayon  parang 60 years old lang , dahil sa lakas at liksi nito.

Sinabihan na raw siya ng papa ni Beth na tigilan na niya ang pagtitinda ng  Kakanin, ngunit hindi naman magpapa-awat si Mang Estong dahil hindi siya sanay na walang ginagawa.

Dahil ang pagtitinda ng Kakanin ay ang kinabubuhay niya sa simula palang. Wala naman silang magawa dahil yon ang gusto ng matanda.

"O siya kumain muna kayo, at tatapusin ko muna ang iba ko pang niluluto "

FIRST LOVE DIARY (San Rafael series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon