Kabanata 7

12 3 0
                                    

Papunta ako ngayon sa Art Club, iniwan kasi namin kahapon ang ginawa namin ni Beth na painting.

Hindi niya ako sinamahan dahil may pupuntahan daw siya. Kung kaya ako nalang ang kumuha ng ginawa niya.

Magpa-practice rin kasi ako upang mas  makuha ko ang tamang pag-shade at blend ng kulay

Nakapuwesto na ako ngayon. Mayroon kasing Vase sa harapan. At iyon ang gagayahin ko ngayon

"Hala bakit  ang sama naman ng ginawa ko" reklamo ko sa sarili, Hindi ko talaga kasi makuha ng tama

Nahihirapan akong mag-blend.

Napansin ko naman na mayroong pumasok, ngunit hindi ko nakita dahil nakapokus ako sa ginagawa ko

Kumuha rin siya ng upuan at canvas. At nag-pwesto sa kanan  ko.

Napansin ko na parang  tinitingnan niya ang ginawa ko. Problema naman ng lalaking ito. Kung mag-pokus nalang siya sa ginagawa niya

Sumisilip pa sa obra ng iba

"Hoy Mister, kanina k---"  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nabigla ako sa nakita ko.

Bakit siya nandito. Nakita ko kasi ang presidente namin, syempre yong lalaking nakabangga ko.

Si Curt. Ngumingiti siya ngayon sa akin, dahil nakita niya akong nabigla.

Hindi ko naman kasi alam na siya pala yong pumasok.

"Hindi ko akalain na makikita kita dito Cotche"

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Hindi talaga ako tinitigilan ng lalaking to, Cotche parin sabing Cozy ang pangalan ko

Wala akong pakialam kong presidente siya dito, napipikon ako sa tuwing nakikita ko siya

" Kaya pala Hindi ko magawa ng maganda ang obra ko, nandiyan pala ang Gangster. Sinabing hindi Cotche ang pangalan ko. Nakakapikon kana"

Sigaw ko sa kanya. Tiningnan ko naman sa labas kung may dumaang mga estudyante.

Buti nalang wala

" Alam mo bang kaya kitang paalisin sa club nato"

At nagbanta pa ang lokong ito, akala niya siguro mapaniwala niya ako. As if naman non

" Hoy Curt, porket presidente  ka ng Club nato, akala mo mapapaalis mo ako dito."

Galit na tugon ko sa kanya

Nakita ko namang parang  nagtaka siya sa sinabi ko

"Paano mo malaman na Presidente ako ng Art Club?"

Nagtatakang usal niya. Hindi niya kasi alam na nandoon ako sa meeting.

" Wala ka ng pakialam kung San ko man nalaman yon."

Pagdadahilan ko sa kanya, nakita ko naman siya na nilagay ang isang daliri niya malapit sa may baba.

na parang nag-iisip

" Dalawa lang kasi yan eh, its either Nandoon ka sa meeting or--"

Mukhang seryoso talaga siya sa iniisip niya. Walang pinagbago  sa lalaking nakasalamuha ko sa Mall.

Nagpapa-suspense ng sasabihin.

"Or interesado ka sa akin"

Ano daw? Ako pa talaga ang interesado sa kanya.

Ang feeling rin pala ng lalaking to.
Kahit kailan Hindi ako nagka-interest sa lalaki

Maliban nalang kung siya si Joshua, pero Hindi dahil siya si Curt.

FIRST LOVE DIARY (San Rafael series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon