Kabanata 8

9 2 0
                                    

Nagmamadali akong tumakbo dahil ma-late na naman ako, si Maam jaye pa naman ang teacher namin ngayon. Panigurado na may ipapagawa naman siya kapag mahuli na naman ako sa klase niya.  

Nasa gate palang ako ng school pero nahihingal na ako. Naisip ko na sa Third floor pa pala ang klase ko.  Napahilamos nalang ako ng mukha, tiningnan ko muna ang relo ko. Shit. 2 minutes nalang bago mag-8.

Pagkarating ko sa tapat ng room, dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto, buti nalang wala pa si Maam jaye. Umupo naman ako sa tabi ni Beth. Napansin ko rin na tahimik ang klase namin. Anong meron? Parang hindi ito ang klase na pinasukan ko, sa tuwing pumapasok kasi ako sa klase halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa sobrang ingay ng kaklase ko. Kaya nakakapanibago ngayon.

"Nasaan si Maam Jaye? "tanong ko kay Beth, na gumagawa ng portrait ni Daniel Padilla. Maganda rin gumuhit si Beth.

"Wala si Maam Jaye ngayon may lagnat daw siya" bulong sa akin ni Beth. Hayy. Buti naman, ligtas ako ngayon. Late kasi ako ng 5 minutes. Ang bagal kasing lumakad nang mga babae sa hagdan kanina. Na-stress ako sa kanila. Parang wala silang pake kung late na sila.

"Buti naman kung ganoon" saad ko sa kanya, napatingin naman sa akin si Beth, bakit? May nasabi ba ako. Tama naman yon, dahil ligtas ako.

"Anong buti naman may pumalit sa kanya, lumabas lang siya saglit dahil may tumawag. Nag-check na rin ng attendance ikaw lang ang wala pa. Bakit kasi ang tagal mo."

Nanenermon na sabi ni Beth. Ano ba naman yan, Iba rin tong si maam Jaye, may substitution. Okay na rin yon, dahil hindi naman alam ng bagong teacher ang patakaran ni Maam jaye.

Narinig kong bumukas ang pinto, nandiyan na siguro siya.

"Nandiyan naba si Ms. Madrigal" saad niya habang papunta palang siya sa table. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Patay tayo diyan mukhang pinaalam ni Maam jaye ang patakaran niya.

Ang subject kasi namin sa kanya ay sketching and drawing. Nabigla ako ng makita ko ang mukha niya. Its him again. I said in my mind. Bakit siya nandito? Shit Dont tell me siya yung substitution ni Maam jaye.

No It cant be, Hindi ko talaga maiwasan na mapikon sa mukha niya dahil naka-smirk siya sa akin ngayon. What the heck. Im doomed.

Bakit siya kinuha e,estudyante rin naman siya. May something ba sa kanila ni Maam jaye. Hindi pwede kasi matanda sa kanya si Maam Jaye.  I came closer to Beth face as I whispered.

"Beth bakit siya ang pumalit kay Maam jaye? May something ba sa kanila? Marami namang prof na pakiusapan Bakit kay Curt pa" Nag-didiscuss na siya ngayon. Buti nalang safe ako sa rule thingy.

Napatingin naman sa akin si Beth. At bumalik ulit ang  ang tingin niya sa harapan. Oo nga pala ayaw niya ang maingay. Pero kapag dalawa naman kami siya naman ang nag-iingay. Hanep

"Gaga! Hindi mo alam" What? Magtatanong ba ako sa kanya kung alam ko, bobo rin to
"Kapatid siya ni Maam jaye, sira Anong something pinagsasabi mo" she said while she did not look at me. Shes just focusing on the discussion.

Hanep tong mga kaklase ko, kapag gwapo ang teacher tutok na tutok sila.     

Kaya naman pala, kapatid niya pala si Maam jaye. Hindi ko lang naman napag-tagpi-tagpi na magka-surname sila. Just like, Im interested. Haler baka isipin nito na interesado talaga ako sa kanya.

So that means, the sister his referring to me in the mall accidents is Maam jaye. Yung nakipaghalikan, I mean yong may kasamang babae ang boyfriend niya.

I just look at him straight, bakit ang ganda ng boses. Ang husky ng boses niya. Ang tangos rin ng ilong niya. Shit anong pinagsasabi ko. Alam kong crushable siya, pero cozy huwag mong hayaan ang sarili mong magka-crush sa kanya. Panindigan mo talaga ang sinabi mo.

FIRST LOVE DIARY (San Rafael series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon