Chapter Two

153 31 6
                                    

**

"There is one pain, I often feel, which you will never know. It's caused by the absence of you." -Ashleigh Brilliant

**


CHAPTER 2- ROSE


I gathered my courage to ask her kung ano ibigniyang sabihin sa mga salitang binitawan niya. Ramdam ko na naginginig na ang aking bibig, "A-ano po?" Nauutal kong tanong. Kakaiba ang kanyang presensya pero I still managed to ask her kahit na ganun ang nararamdaman ko.

The way she looks at me sent shivers down to my spine. Konti nalang baka mawalan ako ng malay dito sa sobrang kaba at bilis ng tibok ng puso ko sa takot.

Tinitigan niya ako mabuti, "Bakit ka pa nag balik dito? Hindi ka pa ba natuto?!" Napaatras nako dahil sumigaw na siya. Hindi ko alam kung sasagot ba ako sa kanya na wala akong ideya kung ano ibig niyang sabihin or tatakbo ako dahil sobrang natatakot na ako?

"Giselle!" Sigaw ng isang pamilyar na boses saakin sa likod.

"Ano ka bang bata ka!" Si mama. Hindi parin ako makalingon dahil naka lock ang tingin ko sa babae na parang pag lumingon ako kay may mangyayaring masama.

"Giselle!" My head unconciouly turned sa gawi ni mama at nakita ko si mama galit na galit na palapit saakin. Binalik ko ang tingin sa babae pero wala na siya.

Nahihibang na ba ako? Bakit siya nawala? O kaya naman kung ano ano lang nakikita ko dahil abandona na ang mansyon na ito?

"Bigla ka nalang nawala!" Sigaw ni mama saakin at hinawakan ang braso ko. Nanatili parin ang aking isipan sa babae kanina nag pakita saakin. Naririnig ko si mama na nagsasalita pro hindi ko maintindihan. 

Naramdaman ko na winiwave niya yung kamay niya sa paningin ko, "Giselle? Hello?' I blinked at tumingin sa mga mata ni mama. I heard her sigh, "Bakit ka kasi bumalik dito? Hindi ba sinabi ko sayo na nawala ka dito noon?" 

I gather my thoughts para sumagot sakanya, "Babalik na po ako. Na curious lang ako dito." Sabi ko habang tumingala muli sa harap ng abandonang mansyon.

"Tara na at hinahanap ka na ng lola mo." Aniya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siyang dalhin ako sa bahay.

Pag karating namin nakangisi nanaman ang kapatid ko na si Kriselle saakin. She looked at me na parang gusto niyang asarin ako. Huminga ako ng malalim dahil alam kong may sasabihin nanaman siya saakin.

"Lakwatsera ka talaga, Ate." Sabi niya ay nag pipigil ng tawa.

"Gandang bungad ah?" Inis na sabi ko. I rolled my eyes at pumasok na sa loob ng bahay pero bigla akong napatigil sa may pintuan nang narinig ko ulit si mama na nagsalita,

"Ano ba! Dumeretso ka na sa lola mo, Giselle!" Sabi ni mama saakin habang tinuturo niya yung kwarto sa dulo.

"Oo na po." Sabi ko sakanya at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ni Lola.

Huminto ako sa isang brown na pintuan. I waited a few seconds bago ako Kumatok. "Lola?" 

"Pasok ka, Iha." Lola's voice echoed behind the door. Agad ko itong binuksan at bumungad saakin ang nakangiting kong lola. My eyes immediately scanned the room. Somehow parang it gives me comfort and nostalgia ang pag pasok ko sa kwarto nila.

"Hello po lola! Pasensya na po bigla ako nawala." 

Tumawa siya, "Alam ko naman, apo." She said na parang may meaning sa sinabi niya. 

Giselle's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon