**
"They say that time heals all wounds but all it's done so far is give me more time to think about how much I miss you." -Unknown
**
CHAPTER 3- GISELLE
Hapon na nung nakauwi kami ni Kriselle sa pag gagala. Ako naman parang wala ako sa sarili ko dahil sa mga kaganapan saakin ngayon at kagabi. Pinagiisipan ko kung babalik nalang ba ako at sasabihin ko nila mama na may emergency sa opisina pero alam ko she won't buy it. She knows na umiiwas na ako after all she saw me last night sa harap ng mansyon.
I couldn't say anything to her last night. Nanatiling tikom ang aking bibig sa mga kababalaghan nangyari saakin simula nung pag dating namin dito sa Augustia. I don't want her to worry too and baka hindi rin niya ako paniwalaan.
Even way before nung bata ako, alam ko naman noon pa talagang kakaiba akong bata dahil minsan may mga nakikita akong hindi nakikita ng iba. Minsan pinagalitan ako ni mama dahil nag sisinungaling daw ako. It was frightening and traumatizing, biruin niyo I have to keep it all to myself kasi they wouldn't believe me, or if I tell them magagalit lang sila saakin.
Kaya simula nun hinayaan ko nalang and I tried na hindi ko na pinansin yung bagay na iyon hanggang sa nasanay na ako tsaka ngayon wala naman na ako nakikita... until recently yung babaeng naka itim.
However.. a part of me wants to know. The secrets and the reason kung bakit ako nakakakita ng lalake sa panaginip ko na walang kuneksyon saakin or... it must be related sa pagkawala ko years ago. I should really gather up my courage at kausapin yung babae. Kakayanin ko ba?
Kanina ko pa pinagiisipan kung babalik ako sa manyon dahil sobrang curious na ako sa nangyayari. Tsaka kanina ang creepy nung ngiti saakin ni Lola after niyang makita na sinuot ko yung rose pendant na binigay niya kagabi.
Ayoko mag assume pero baka may hiwagang nababalot dito sa lugar na ito, kay lola, sa babaeng naka itim at itong pendant na ito. No, im not assuming! Talagang may hiwaga. Yung babae palang.. masasabi mo na it's not normal. at. all.
Napahawak ako sa pendant habang iniisip ko parin kung tutuloy ba akong pupunta sa mansyon para mag imbestiga. Tutal wala naman mawawala saakin kung titignan ko diba? It might even give me information... ang imformation na hinahanap ko for years.. and finally.. baka mabigyan ako ng sagot. Kailangan ko hanapin yung babae and ask her kung ano ang mga ibig niyang sabihin sa mga salitang sinabi niya saakin.
"Apo." rinig ko sa bandang kaliwa ko habang nakatingin parin ako sa kawalan.
Lumingon ako nakita ko si lola nasa dulo ng pintuan. Ngumiti ako at unti unti siyang lumapit saakin para samahan ako sa inuupuan ko.
"Hindi ka ba natatakot dito?" She suddenly asked. Lumingon ako sakanya, nagulat ako sa tanong niya bigla saakin.
"Ha? Hindi po." Siguro ang ibig niyang sabihin yung pagkawala ko dito dati nung bata pa ako. Hinawakan ko yung kamay ni lola and tried to reassure her na okay na ako.
Ngumiti ako sakanya, "Matagal na din po yun. Tsaka satingin ko okay na ako. Di lang ako bumalik dati dahil akala ko ma ttrigger ako pero hindi naman pala."
"Mabuti naman yun apo." Aniya.
Doon na natapos yung paguusap namin, nagpaalam na siya saakin na magpapahinga na daw sila. Nakita ko rin si Kriselle na pumasok na sa kwarto, mukhang matutulog na or.. maglalaro ng psvita.
BINABASA MO ANG
Giselle's Promise
Fiction HistoriqueAt night, I would always dream of a mysterious man standing alone on a balcony. Every time I ask who is he.. he would suddenly disappear leaving me all alone. Why? Why do I dream of him? Inspired by a dream years ago and from the Ballet Giselle; a...