Chapter Six

132 17 1
                                    


CHAPTER 6- HAPPY BIRTHDAY


"Ikaw ba ang bagong katulong dito sa mansyon?" Tanong saakin ng isang matanda na nag aayos ng lamesa sa gitna.

Ngumiti ako at sinubukan ko rin iarrange ang mga pinggan sa lamesa, "Opo, maari bang tulungan ko rin kayo?" tanong ko sakanya.

Tumawa siya, "Salamat, kailangan ko nga ng tulong. Maari mo bang iabot saakin ang mga kubyertos?" 

Tumango ako sakanya at pumunta ako kung saan ang mga kutsara't tinidor. Kumuha muna ako ng plato para doon ko mailagay ang mga  utensils para mas madali siyang ilipat sa kabila.

"Salamat." Aniya habang inaayos na ang mga bawat plato sa bawat upuan. Busy na busy siya pero agad din siya tumingin saakin at mukhang may itatanong.

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Gi--ay.. Josephina po.." Sagot ko. Hindi nga pala pwede na sabihin ko ang totoo kong pangalan.. 

"Ako nga pala si Anita.." She smiled at me at namiss ko bigla si mama dahil ganito din si mama saakin. 

"Ayos ka lang ba?" she asked, concerned. Lumapt siya saakin at hinawi ang aking buhok. Napatingin ako sa sahig at hinawakan ko ang aking magkabilang mga kamay. 

"Gusto ko lang po makita ang aking ina.." 

"'Wag kang mag-alala. Nangungulila in ang ina mo sayo.. at ang mga andito ay nagtatrabaho para may mapakain sa kanilang pamilya.. ang 'iyong ina ay lubos na nagpapasalamat sayo."

No.. you're wrong.. I'm here because I have a mission. I have to know my past, my unanswered questions.. and it is all for my selfish gain.. If hindi ko nakita si Helios sa situwasyon na natutulog siya I would still do it because I'm selfish..

"Hija.. Magiging maayos din ang lahat.. may dahilan ang lahat kung bakit ka andito.." I weakly smiled at her at binaling ko nalang ang aking tuon sa pagaayos ng handaan.

"Bakit po may handaan?" Hindi ko napigilan na tanong. Lumingon muna siya sa gilid niya tila parang tinignan muna niya kung may tao bago siya lumapit saakin para bulungan ako.

"Kaarawan ngayon ni Helios." sabi niya saakin habang hinihinaan ang boses.

"Ha?!" napasigaw ako bigla at lahat ng mga kasambay napatingin saamin. Sinenyasan naman niya ako na wag maingay dahil ayaw ni Helios yung maingay.

"Bakit po parang sikreto eh kaarawan lang naman niya." sabi ko sakanya habang tinitignan siya ng pagtataka.

"Ayaw niya kasi na sinasabi ang kaarawan niya at ayaw rin niya idiwang iyon. Mailang yun sa mga tao dito at kay Manang Paulita lang siya sumasagot." 

"Ay, grabe naman po. Bakit naging ganun po'yon si Helios?"

Hala bakit kaya ayaw nya sabihin na birthday niya. Ang lungkot naman no'n. Isang malaking blessing ang mapanganak ka sa mundong 'ito. Minsan ka lang mabubuhay at dapat iappreciate natin ang buhay na nabigay saatin.. kasi things would never be the same again kahit ma reborn ka dahil once mo lang maeexperience ang isang bagay fully.

Bahagya akong lumingon sa mga taong tarantang taranta sa pag balik at pagpasok sa mansyon dala dala kung ano anong mga bagay para sa handaan.

Ilang taon na ba yun? Tsaka bakit hindi rin sinabi saakin ni Manang Paulita na birthday ngayon ni Helios edi sana nabati ko siya kanina. Tumingin ako sa gilid ko para ilagay muna ang isang nahulog na kutsara. Huhugasan ko ito.

Giselle's PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon