AYAW HUMINTO ng luha ni Cana, it's been three hours since the kidnapping happened. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula sa mga kumuha sa anak niya. Sa bawat segundo na dumadaan na hindi niya nakikita si Simon, pakiramdam ni Cana ay mababaliw siya sa labis na pag-aalala.
Base sa mga statement ng ibang witness, walang plaka ang kulay puti na Van. Pero may gasgas daw ang kaliwang bahagi niyon. Walang nag-lakas-loob na humabol sa Van dahil armado ng baril ang mga kidnappers. Pero kung hindi binaril ng mga ito ang gulong ng kotse niya, hindi magdadalawang isip si Cana na habulin ang Van na iyon maibalik lang sa kanya si Simon.
"Uminom ka muna ng tubig," narinig niyang sabi ni Ice.
Tahimik na sumunod siya sa sinabi nito.
"Huwag kang mag-alala, Cana. Gagawin ko lahat para mahanap agad si Simon."
Umagos ang luha niya saka tumingin sa binata.
"Ikakamatay ko kapag may nangyaring masama sa kanya, Ice. Simon is all I have, I can't lose him. I want my son back before Christmas, please, tulungan mo ako."
Hinawakan nito ang kamay niya, pagkatapos ay niyakap siya ni Ice.
"Pangako, ibabalik ko si Simon. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita," aniya.
Mayamaya ay napalingon sila ng dumating ang isang kasamahan pulis ni Ice. Naroon sila sa condo unit niya, at nakakabit na ang wire-tapping device sa cellphone niya. Para ano man oras na tumawag ang mga kidnappers ay nakahanda na sila.
"Pare, puwede na ba namin makausap si Ma'am?" tanong ng kasama ni Ice.
Tumingin sa kanya ang binata.
"Cana, may itatanong lang sila sa'yo."
Marahan siyang tumango.
"Sige."
"Ma'am, may naalala po ba kayong kagalit o may naiinggit sa inyo?" tanong ng imbestigador.
"Wala, tahimik kaming mag-ina."
"Wala po ba kayong puwedeng paghinalaan kung sino ang may gawa nito? May iba po bang nakatira dito sa bahay ninyo bukod sa inyo ng anak mo?"
"Si Manang Cely, 'yong kasambahay ko."
"Kasambahay? Nasaan na siya ngayon?"
Doon siya napaisip, saka agad na tumingin sa oras. Dapat ay naroon na si Manang Cely ng mga oras na iyon. Kahit kailan ay hindi naman na-late iyon sa pagpasok, dahil sa tuwing darating iyon doon sa bahay nila ay nagte-text ito sa kanya ng ganoon ay alam niya kung anong oras ito nakakapasok.
"Dapat ay narito na siya ngayon," sagot niya.
"Hindi po ba dito nakatira ang kasambahay n'yo?"
Umiling siya. "Stay out siya."
"Maaari n'yo po siyang tawagan? Kailangan ko rin po siyang makausap," anang pulis.
Marahan siyang tumango, saka sinubukan tawagan si Manang Cely. Napakunot noo si Cana ng hindi na niya ito ma-contact. Out of reach ang numero ito.
"Out of reach siya," sabi niya.
"Palagi ba siyang mahirap kontakin?" tanong naman ni Ice.
"Hindi, ngayon lang," sagot ni Cana.
"Ma'am, puwede po bang makahingi ng picture nitong Manang Cely na sinasabi ninyo? Saka baka alam n'yo kung saan siya nakatira?"
BINABASA MO ANG
Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)
Romance"Hindi pa ako puwedeng mamatay, papakasalan pa kita." TEASER: For Cana, her son Simon means the world to her. Noong mga panahon na tinalikuran siya ng mga taong inakala na unang susuporta sa kanya habang pinagbubuntis ito. Tanging sa anak siya kum...