CHRISTMAS EVE. Alas-kuwatro pa lang ng hapon ay nakaluto na si Cana ng handa para sa Noche Buena. It was a simple celebration, red sauce pasta, honey-pepper roasted chicken, green salad, ang traditional na ham at para sa dessert, imbes na cupcake ay cake ang binake niya at nag-request si Simon na Double Chocolate flavor. Pagkatapos ay nagtext siya kay Ice para imbitahan ang binata na doon na lang mag-pasko sa kanila, tutal ay alam naman niya na wala rin itong kasama sa bahay.
Matapos niyang magluto, kasama si Simon ay pumunta sila sa Angelicious para ibigay ang mga regalo niya na hinanda para sa mga kasama. Nang dumating siya doon ay nagulat pa ang mga ito.
"Anak, are you sure you're okay here?" tanong pa ni Cana kay Simon ng ihatid niya ito sa Baby Office.
"Yes Mommy."
"Kapag may kailangan ka, Simon. Tawagin mo lang ako," nakangiting sabi ni Xandria.
"Okay po."
"Salamat ah," baling niya dito.
"Wala iyon, ate."
Bago lumabas ng Baby Office si Cana ay iniwan niyang naglalaro ng games si Simon gamit ang tablet nito. Nang masiguro na okay naman ang anak ay saka niya ito tuluyan iniwan doon.
"Ate, i-kalma mo ang sarili mo. Safe siya dito," pag-aalo pa ni Xandria sa kanya.
Napatingin siya dito saka ngumiti. "Pasensiya ka na, simula ng mangyari 'yon, parang napa-praning ako kapag nawawala sa paningin ko si Simon."
"Okay lang 'yon, naiintindihan namin, kahit sino naman sigurong nanay na makaranas niyan, ganyan ang magiging epekto pagkatapos."
"Iniisip ko nga kung paano si Simon kapag bumalik na ako sa trabaho, next week after Christmas," aniya.
"Saka mo na alalahanin 'yon, ang importante masaya ang pasko mo dahil kasama mo si Simon."
Napangiti si Cana sa sinabi ni Xandria. "Right."
Habang nakikipag-kuwentuhan kay Xandria ay tumutulong siya sa pag-assist ng mga customers. Ang mga regalo niya para kay Em at Angelique ay iniwan niya sa opisina ng mga ito. Mayamaya, pagsilip niya sa Baby Office ay naabutan niyang nakahiga sa carpeted na sahig si Simon at tahimik na natutulog. Napalingon siya kay Xandria ng sumilip din ito.
"Nakatulog pala siya," sabi nito.
"Simula ng nakauwi siya madalas na tulog 'yan, para bang pagod na pagod lagi. Ang kuwento niya sa akin, hindi daw siya nakatulog dahil hinihintay daw niya kami ni Ice na kunin siya," kuwento ni Cana.
"But he is brave, kung sa ibang bata 'yan baka sobrang trauma niya. Pero sa tingin ko sa anak mo, ate. Parang nilalabanan niya 'yon."
"Ice taught how him to be brave and not be afraid," sagot niya, sabay balik sa kanyang isipan ng lakas-loob si Simon na sinipa ang kidnapper. Nang sumigaw si Ice ng dapa, ay agad naman itong sumunod. Nakita ni Cana ang tiwala ng anak sa binata ng matapang itong tumakbo palapit kay Ice, na para bang alam na alam nito na hindi siya papabayaan ng binata. That moment, Cana witness an incomparable connection between them. Something that is very amazing in her eyes, at karaniwan nakikita lang sa tunay na mag-ama.
"Hindi ba siya umiyak kanina?" tanong pa niya.
"Hindi naman ate, pero narinig ko may kausap siya kanina sa cellphone niya," sagot ni Xandria.
"Kausap?"
"Oo 'te, parang Idol Chief yata 'yong tawag n'ya."
Napangiti siya. "Ah si Ice 'yon, 'yong pulis na kaibigan n'ya at nagligtas sa kanya," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)
Romansa"Hindi pa ako puwedeng mamatay, papakasalan pa kita." TEASER: For Cana, her son Simon means the world to her. Noong mga panahon na tinalikuran siya ng mga taong inakala na unang susuporta sa kanya habang pinagbubuntis ito. Tanging sa anak siya kum...