CHAPTER SIX

1.6K 56 0
                                    

IT'S THE LAST day of the year, pero walang kasama si Cana doon sa bahay. Kung gaano kasaya ang pasko niya, ganoon naman kalungkot ang bagong taon niya. The house felt empty without her son, two days ago, December twenty-nine ng umaga ng sinundo ni Maxine si Simon sa bahay nila at sinama sa Japan para doon mag-New Year. Nag-dalawang isip pa nga siya na pasamahin ang anak dahil hindi siya makakasama dahil sa trabaho niya. But her sister, reassured her about Simon's safety. Kasama naman nito ang mga bodyguards nito. Masaya si Cana na makitang excited ang anak niya na bumyahe, pero sa kabila niyon ay nalulungkot siya dahil hindi niya makakasama ito ngayong New Year's Eve.

Samantala, si Ice naman ay busy rin dahil sa Holiday kaya marami itong ginagawa bukod pa ang ibang operation nito, kaya madalang silang nagkikita ng buong linggo. Isa o dalawang beses lang sila kung makapag-usap nito sa isang araw dahil sa umaga ay abala naman siya sa restaurant.

Nang makauwi si Cana sa bahay galing sa trabaho, agad silang nag-video call ng kapatid at ni Simon. Tumagal iyon ng isang oras dahil sa dami ng kuwento ng anak niya. At mukhang tama ang naging desisyon niya na pasamahin sa kapatid si Simon, dahil kitang-kita niya na sobra itong nag-e-enjoy doon sa Japan.

"I have to go, anak. Mommy is tired," paalam niya sa anak.

"Okay po, happy new year! I love you," ani Simon.

"Happy New Year too, wish you were here. See you in few days," sabi pa niya.

"See you soon, Mom."

Mayamaya ay nawala na si Simon sa harap ng camera at pumalit ang kapatid niya.

"O sige na at kakain na muna kami," paalam ni Maxine.

"Okay 'te, ikaw na bahala kay Simon," bilin pa niya.

"Sure, ikaw, sinong kasama mo diyan hanggang mamaya na magpalit ang taon?" tanong nito.

"Wala, ako lang," sagot niya.

"Sira, tawagin mo si lover boy. Pagkakataon n'yo na 'to," tukso ni Maxine.

Natawa ng malakas si Cana. "Ate, walanghiya ka talaga!" sabi pa niya.

Humagalpak ng tawa si Maxine sa monitor. Nabanggit na niya si Ice at ang relasyon nila sa kapatid at masaya ito para sa kanya.

"Sige na, babay na!"

"Bye, happy new year sis!"

"Happy new year, ate!"

Napapailing na lang si Cana ng i-shut down niya ang laptop at isarado iyon. Kahit kailan talaga ay baliw ang kapatid niya. Bago pumasok sa kuwarto ay naisipan muna niyang i-text si Ice.

"Hey, happy new year. Mag-iingat ka," aniya sa mensahe, pagkatapos ay nilapag na lang niya ang cellphone sa ibabaw ng kama saka pumasok sa banyo para maligo.

Makalipas ang twenty minutes, matapos maligo ay lumabas na si Cana mula sa banyo. Underwear pa lang ang nasusuot niya ng mag-ring ang phone niya, agad sinagot iyon ng dalaga ng makitang si Ice ang tumatawag.

"Hello,"

"Are you busy?"

"Hindi naman," sagot niya.

"Then, open the door,"

"Ha?!"

"Nandito ko sa labas, buksan mo ang pinto,"

Bigla siyang nataranta. "Sige, sige," sabi niya saka agad pinindot ang end call button.

Kinuha ni Cana ang bathrobe at agad na sinuot iyon. Pagkatapos ay nagmamadaling binuksan ang pinto. Bakas sa mukha ni Ice ang pagkatulala ng makita siya sa ganoon ayos. Samantala, parang may malakas na sumipa sa kanyang dibdib ng makita ang guwapong mukha ni Ice. Bumagay dito ang suot nitong simpleng kulay puti na t-shirt at jeans.

Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon