CHAPTER FOUR

1.6K 59 2
                                    


SECOND DAY. Bandang alas onse ng umaga. Sa wakas ay nakatanggap na ulit ng tawag si Cana mula sa mga kidnappers. Naroon na rin ang Mommy at Ate Maxine niya. Nakahanda na ang ransom money na hinihingi ng mga ito, pero nag-advice ang mga pulis na ang priority nila ay makuha si Simon ng hindi makuha ng mga kidnappers ang pera. Gagamitin lang iyon bilang pain para mahuli ang mga ito. At sa ikalawang pagtawag ng mga kidnappers, sa pagkakataon na iyon ay nalaman na ng mga pulis ang location ng mga ito. Mula ng sandaling iyon ay masusing plinano ng mga pulis ang pag-rescue kay Simon, sa tulong na rin ng grupo ni Ice, maging ng NBI at iba pang miyembro ng PNP.

Dahil maagang nalaman ng mga pulis ang location ng mga kidnappers. Maaga rin naiplano ng mga ito ang magiging operation para mailigtas si Simon. Maagang naka-posisyon ang ibang mga pulis sa location ng mga kidnappers. Pasado alas-tres ng hapon, nakatanggap sila ng balita. Nahuli na si Manang Cely sa Batangas Port at patakas na sana papunta sa Probinsiya nito. Mula sa mga kasamahan ni Ice, napaamin ng mga ito ang matanda na kasabwat ng mga kidnappers. At nakumpirma nila ang sinabi ni Ice kagabi na modus operandi ng grupo na kinabibilangan ni Manang Cely. Ito nga ang informant ng mga kidnappers, sa pamamagitan ng mga naikuwento

ni Cana tungkol sa pamilya nakakuha ng impormasyon si Manang. Humingi daw ng tawad ang matanda sa nagawa, umamin din ito na dapat ay matagal ng nangyari ang pag-kidnap kay Simon. Pero nahihirapan maka-tiyempo ng tamang pagkakataon ang mga ito na gawin ang plano dahil palaging kasama ng bata si Ice.

"Gusto mo bang makaharap si Manang Cely?" tanong sa kanya ng binata.

Tumingin si Cana kay Ice, saka marahan tumango. "Ayoko siyang makita. Ang abogado ko na ang bahalang humarap sa kanya. Hangga't may natitira pa akong respeto sa kanya dahil mas matanda siya sa akin at kahit paano ay naging mabait siya kay Simon," mabigat at pormal na sagot niya.

"Ang sabi ng mga kasama ko, nakikiusap daw si Manang. Gusto ka makausap para humingi ng tawad," sabi pa ni Ice.

Tumayo siya at muling lumingon sa katabi.

"Hindi na kailangan," sagot ulit niya saka pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Habang naghihintay ng oras, pumasok muna siya sa kuwarto at tiningnan ang picture ng anak. She smiled at the photo.

"Mommy is coming anak, kami ng idol chief mo. Hang in there, okay?" pagkausap niya sa larawan.

Mayamaya ay sumunod sa kanya si Ice.

"Are you okay?" tanong nito.

Marahan siyang tumango.

"Ready ka na? Aalis na tayo mayamaya,"

Huminga siya ng malalim saka binalik ang tingin sa larawan ni Simon.

"Kinakabahan pero okay lang ako. I have to do this."

"Mas kalmado ka na ngayon kumpara kahapon," puna nito sa kanya.

"Siguro, dahil alam ko na ngayon na hindi ako nag-iisa, nandyan si Mommy at Ate ko, 'yong mga kasama mo, at ikaw. I gave you my trust, dahil tiwala rin ang anak ko sa'yo. Noong bago siya kuhanin ng mga kidnappers, ang unang sinabi ni Simon sa akin. Mommy, tawagan natin si idol chief. Naisip ko, kung ang anak ko nga ganoon kalaki ang tiwala sa'yo, siguro walang masama kung magtitiwala rin ako sa'yo."

Ngumiti si Ice. "Salamat, Cana. Asahan mo, hindi ko sasayangin ang tiwala ninyong mag-ina."

Marahan siyang tumango saka bahagyang ngumiti.

Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon