Author's Note:
Bago ang lahat, gusto ko muna liwanagin ang tamang pronounciation ng name ng heroine. It's Cana, pronounced as "Kaye-na". 😉😊😍😘
Kaunting trivia. This story is supposedly part of Little Cupcakes Series Batch 2. But unfortunately, hindi na-approve sa editorial ang batch 2 kaya naging independent siya. This story was released on "E-BOOK" under the title of "The Greatest Love of All"
Pero para dito sa Wattpad, ginamit ko ang original title niya na Double Chocolate. I hope you will like it. Thank you so much. God Bless! ❤❤❤
****************************************************************
PAGBABA ni Simon ng kotse, lumingon pa ito sa kanya saka kumaway.
"Nasaan ang kiss ko, anak?"
"Mom! Ang laki ko na, nakakahiya sa mga friends ko!" sagot ni Simon.
Kunwari ay lumabi si Cana sa anak. "Ay hindi puwede! Hindi ako papayag, I have to get my kiss," giit niya saka bumaba ng sasakyan.
Nilapitan ni Cana ang anak saka niyakap.
"Mommy naman eh," natatawang reklamo ni Simon.
"Ay, kinakahiya mo ba si Mommy?"
Tumawa ang anak. "Hindi po, kaya lang Mommy, binata na ako!"
"Ha?! Anak, baby pa rin kita. Hindi ka pa binata, you're only ten years old."
"Mommy, kailangan ko ng maging binata agad. Para maipagtanggol kita sa mga masamang tao, para maging pulis na ako!"
Nahimas ni Cana ang baba saka tinitingnan ang anak. "Sigurado ka bang gusto mo mag-pulis? Anak, delikado 'yon."
"Exciting nga po eh! Gaya ni idol, Mommy! Grabe ang galing n'ya! Hinabol niya 'yong isang snatcher noong isang araw! Tapos Mommy, ayaw tumigil kahit sinigawan na ni Idol Chief na tigil! Ang ginawa niya, nagpaputok sa ere, natakot 'yong snatcher, tumigil sa pagtakbo!" excited na kuwento nito sa kanya, with action pa.
Natatawang napailing na lang si Cana. Pangalawang beses na nitong kinuwento ang pangyayaring iyon sa kanya simula kahapon.
"O siya sige, pulis na kung pulis. Pumasok ka na, baka ma-late ka pa!"
"Okay po, bye Mom!"
Yumakap kay Cana ang anak sabay halik sa pisngi bago pumasok.
"I love you!" habol pa niya.
"I love you too!" sagot nito.
Bago pumasok sa gate ay huminto muna si Simon sa tapat ng isang pulis at sumaludo. Nakangiting sumaludo rin ang pulis at ginulo ang buhok ng kanyang anak. Nang makapasok si Simon, nagkatinginan sila ng pulis. Matipid siyang ngumiti nang ngumiti din ito. Matapos iyon ay agad siyang sumakay ulit sa kotse. Pagsulyap ni Cana sa oras, thirty minutes na lang bago ang call time niya sa bagong restaurant na papasukan. Ngunit ng paalis na siya ay biglang namatay ang makina ng kotse, at ayaw ng mag-start ulit niyon.
"What the... anong nangyayari?" inis na tanong niya habang panay ang start niya.
Naiinis na bumaba siya ng kotse at agad na tiningnan ang makina. Wala pa naman siyang alam sa mga ganoon.
BINABASA MO ANG
Double Chocolate (Sequel of Little Cupcakes Series: Blueberry Cheesecake)
Romance"Hindi pa ako puwedeng mamatay, papakasalan pa kita." TEASER: For Cana, her son Simon means the world to her. Noong mga panahon na tinalikuran siya ng mga taong inakala na unang susuporta sa kanya habang pinagbubuntis ito. Tanging sa anak siya kum...