Sad Song

31 2 0
                                    


A/N: Ang estoryang ito ay di base sa totoong buhay. Ito ay nagbabase sa imahenasyon ng may akda lang. Ang mga tauhan, lugar at mga pangyayari ay gawa-gawa lamang. Muli, ang paalalang ito ay naghahatid ng mensahe na ang mababasa ay isang estorya lang. 

         Kung babasahin mo ang istoryang ito ay huwag kalimutan ang paalala. Kung ayaw niyo sa mga ganitong istorya, malaya kayong mag-leave sa akdang ito. Maraming salamat.


"SAD SONG" by Tjyang


Masaya kaming naglalaro ng habol-habulan at tago-taguan sa aking mga ala-ala. Bata palang ako ay pinangarap ko nang makapunta sa syudad at gusto kong doon ako magpapakasal sa taong mamahalin ko at mamahalin ako.

Sa probinsya kami nakatira at may kalayuan ito sa mga iba pang kapit-bahay. Ang bahay namin ay nasa gilid ng matirik na bundok at malapit lang sa mala-berdeng forest hill. Tanging dalawang bahay lang ang nadoon.

Ako lang ang nag-iisang prinsesa sa buhay ng mga magulang ko. Nagtatrabaho ang aking ama sa malayong syudad, si eomma ko naman ay nagtatrabaho abroad at tanging kasama ko lang sa munting bahay namin ay si lola at lolo ko. May mga anihan kami sa hindi kalayuan ngunit malayo sa mga kapit-bahay. May mga taniman naman kami ng mga prutas at gulay sa aming malaking bakuran gaya ng mga brocolli, strawberries, blueberries, raspberries, mansanas, mangga, carrots at iba pa.

Masagana ang buhay namin ng lola at lolo ko dito sa probinsya. Simple lang ang buhay namin at masayang-masaya. May tindahan naman kami sa palengke ng probinsya namin na may kalayuan mula sa bahay.

Ang pangarap ko sa gayong limang taong gulang palang ako ay ang magkaroon ng kalaro. Wala kasi kaming mga kapit-bahay na malapit lang sa'min. Meron namang bahay sa tabi ng bahay namin ngunit walang nakatira dito.

Palagi nalang si Ted the teddy bear ang kalaro ko tsaka di naman siya makakapagsalita kaya gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan.

Lumipas ang mga ilang linggo at natupad din ang hiling ko. May kapit-bahay na kami na titira sa bahay sa tabi ng bahay namin. Baguhan lang sila dito at mukhang malaki ang pamilya nila.

Habang nakatanaw sa bintana ng kwarto ko kung saan makikita ko ang malaki ring bahay ng magiging kapit-bahay namin ay may nakita akong isang batang lalaki. Nakasuot siya ng jumper na pants at may bit-bit siyang teddy bear na puso ang hugis ng mukha.

Binantayan ko lang ang kilos niya. Tumutulong siya sa kanyang mga magulang na magbuhat ng mga gamit para sa loob ng kanilang bahay. Sa tingin ko ng pagkakataong 'yun ay mukhang masaya ang kanilang pamilya at kumpleto rin sila.

Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang isang bintana ng aming kapit-bahay sa tapat ng aking bintana. Agad naman akong napatago sa gilid ng bintana nang makita ko ang batang kaseng-edad ko lang.

Sinilip ko nang sinilip ang bata sa bintana at nakatingin pa rin siya sa kinaroroonan ko. Hindi mapigilang mamula ang aking mukha nang dahil sa kahihiyan. Nahihiya ako sa kanya.

Muli kong sinilip ang lalaking bata ngunit wala na siya at hindi na siya nakatingin sa kinaroroonan ko.

Hindi ko naiintindihan ang aking sarili sa mga panahong 'yon nang bigla akong umiyak sa hindi alam kung ano ang dahilan. Siguro, umiiyak ako dahil nahihiya ako o siguro nahihiya ako dahil gusto lang akong magpapansin pero agad siyang nawala sa paningin ko.

Lumipas ang gabing iyun at maaga akong nagising. Agad naman akong lumabas ng bahay pagkatapos kong maligo at nagpunta sa hill view malapit lang sa bahay, sa tapat mismo. Dito ako namamalagi kung sakaling nalulungkot ako at nabobored kung minsan. Maganda kasi ang view at tanaw na tanaw mo dito ang kabuuan ng probinsya at ang palayan namin.

Pumitas ako ng isang rosas sa gilid ng inuupan ko saka naman tumingala sa magandang tanawin. Sa tuwing titingin kase ako dito ay naaalala ko ang mga ala-alang kasama ko pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong maagang nawala---si eonni.

Suminghot ako sa malakas na ihip ng hangin at huminga nang malalim. Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaamoy ang masarap na hangin dito sa hill view. Muli ko namang iminulat ang aking mga mata ngunit laking gulat ko nang makita ulit ang batang lalaking kapit-bahay lang namin na nakaupo sa tapat ko.

"Ang aga mo namang gumising," sabi niya saka ngumiti.

Pero di ko nakalma ang aking sarili at bigla kong kinurot ang pisngi niya. Mahilig kasi ako sa mga cute na bagay at mga cute na tao. Kasi naman, ang cute niyang bata kahit mas matanda pa siya keysa sa akin.

Naaakit nga ako sa block smile niya.

"Pagpasensyahan mo na ako kung kinurot ko ang pisngi mo, ang cute mo kasi e," sambit ko at yumuko nang kaunti.

"Okay lang 'yun, sanay naman akong tawagin cute eh, hehe," sabi niya at napakamot sa ulo.

Napatawa lang ako sa sinabi niya. Totoo namang cute siya tsaka di lang siya cute, medyo matangkad din siya keysa sa'kin.

"Ako nga pala si, Jiyun Lim," pagpapakilala ko sa kanya sabay lahad sa kanya ng kanang kamay ko.

Tinanggap niya naman ito at nakipagkamay rin. "Hi, Jiyeon Lim. Ako si Taehyung Kim," pagpapakilala niya pabalik at muling ngumiti ng malapad.

Sad Song||Kth||Where stories live. Discover now