Tuluyan na akong umalis sa probinsya at lumipat na sa syudad. Papasok ako sa koliheyo sa syudad kasama si Jungkook. Pinakilala na niya ako sa mga magulang niya at pinakilala ko na rin siya sa pamilya ko.
Mabait si Jungkook at maaalahanin. Pero iba ang pagmamahal ko sa kanya at kay Taehyung. It's like bitter and sour than sweet like my love for him.
Di ko na nakausap si Taehyung simula non. Wala rin akong contact sa kanya at sinabi rin ng lola at lolo ko na umalis na sila sa bahay nila. Medyo nalungkot ako pero alam kong magiging masaya rin ako pag nasa piling ako ni Jungkook.
Business ang course ko gaya nang kay Jungkook. Para kaming mga bata kung makaasta. Nagtutulungan kami sa mga projects at assignments. Partners din kami.
Pero iba ang nararamdaman ko pag siya ang nagiging partner ko. Mas maganda sana kung partner ko si Taehyung. We were best buds.
Apat na taon ang lumipas at graduate students na kami. May sarili na akong trabaho at si Jungkook naman ay ang new CEO ng kompanya niya pero di ako nagtatrabaho sa kanya. Natutulungan ko naman ang mga magulang ko at nakakapagpahinga na sila sa kakatrabaho.
Matagal na rin at di ko pa rin alam kung nasaan na si Taehyung, ni di ko rin siya nakausap man lang. Maganda ang relasyon namin ni Jungkook. Minahal ko siya pero di kalaunan ay di kami nagtagal, mas minabuti pa naming magkaibigan lang kami.
Sinabi ko naman sa kanya ang lahat-lahat at naintindihan niya naman ako. Mahal ko pa rin si Taehyung, siya lang. Kahit wala na siyang nararamdaman sa akin ay okey lang basta makausap ko lang siya, yun lang.
Kayod ako nang kayod sa trabaho at kasabay nun ang paghahanap kay Taehyung. I searched if he has a facebook account be he doesn't have one. Kahit parents niya ay wala na rin kaming contacts.
I just want to talk to him and apologize to him at wala nang iba pa. Matatahimik na ako pag masisilayan ko siya at kung magiging magkaibigan ulit kami. Umalis nalang kasi ako nang walang paalam.
Ilang buwan na ang lumipas pero di ko pa rin siya nahanap at nakontak. Nagtanong ako sa mga dating kaibigan namin at pati na rin sa mga relatives niya ngunit di raw nila alam kung nasaan na siya at ang kanyang pamilya.
Hanggang sa ikinasal nalang si Jungkook sa kanyang asawa ay di ko pa rin siya nahanap. Isa ako sa mga bridesmaid ng bride ni Jungkook sa kasal niya at naging masaya ako para sa kanila. Pero heto pa rin ako, still single.
Ayoko munang pumasok sa couple relationship na 'yan hanggang sa di ko pa makakausap si Taehyung at makahingi ng tawad sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa pag-iwan sa kanya nang walang paalam.
Kahit may sariling pamilya na siya or what but as long as he'll forgive me, okay na ako. 'Yan lang at wala nang iba pa.
Tuwing gabi ay nag-oover time ako para mas lumaki pa ang sahod ko. Matagal akong nakakatulog at madalas ay di na ako nakakatulog. Medyo masakit na rin ang balakang at batok ko. At nalaman ko nalang na may maliit na bukol na pala sa aking tuhod.
Sa mga araw na lumipas ay madalas akong nasusuka ng kakaiba. Medyo nahihilo na rin ako at madali nalang akong antukin. Nang dahil dun ay pinagpahinga muna ako ng boss ko sa dorm ko sa loob ng isang linggo.
Nakapagpahinga naman ako ngunit di pa rin nawala sa isip ko kung bakit may maliit na bukol sa aking tuhod. At naguguluhan din ako kung bakit parang nanghihina ako at kung bakit masyado na akong maputla.
Sa lunes ng gabi ay may malakas na katok sa'king pintuan. Napakalakas ng katok kaya alam kong may tao. Posibleng dumalaw lang si Eomma o si Appa o kaya'y si 'Zhien' na kaibigan ko.
Mahina pa rin ako at parang nahihilo na talaga ako. Pero dali-dali kong binuksan ang pinto pero laking gulat ko sa taong nakatayo sa'king harapan.