Dalaga na ako at binata na siya. Pero magkaibigan pa rin kami. Lumaki siyang mabait, bolero, palangiti, cute, matangkad at gwapo. Crush siya ng bayan, kahit mga matatanda ay may gusto sa kanya. Sabay pa rin kaming umuuwi sakay ang kanyang bisekletang upgraded na.
Ang nakakatuwa lang ay naglalaro pa rin kami ng bahay-bahayan, nakikipagkopentensya na ako sa kanya sa horse racing sa farm nila. Nagtatanim din kami ng mga prutas at gulay sa hardin namin at minsa'y nakikipaglaro pa rin kami kay Toto habang nakahiga sa ilalim ng malaking puno sa may bundok kung saan kitang-kita ang buong probinsya at iba pang mga bulubundukin.
May mga sessions din kami sa math at grammar. Tinuturuan ko siya sa grammar habang tinuturuan naman niya ako sa math. Ganyan lang kami kasimpleng magkaibigan.
Hanggang sa paggising ko ay naramdaman ko nalang na tumitibok nang napakalakas ang puso ko pag tuwing kasama ko siya. Paborito ko ang kanyang ngiti. Di ko na rin napapansin na araw-araw ko na siyang nagugustuhan. Di kaya'y di ko lang siya gusto, mahal ko na nga ba siya?
Mukhang matagal na e, matagal na 'tong nararamdaman ko sa kanya pero ngayon ko lang napansin at ngayon lang ako nagising. Pero alam ko namang hanggang magkaibigan lang kami. May crush nga siya e. Maganda ang nagugustuhan niya at mas matalino pa keysa sa'kin. Tsaka kung sakaling sasabihin ko man sa kanya na gusto ko siya ay baka lalayuan niya lang ako.
Ayoko nun. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa lintik kong nararamdaman para sa kanya. Gusto ko mang aminin pero di ko magawa kaya hinayaan ko nalang itago ito at hinayaan ko nalang na ako ang masaktan.
Dalawang taon ang lumipas at malapit na kaming grumaduate. Umiba na ang pakikisamahan namin simula nong sinagot na siya ni 'Ryuna'.
Simula nong mga panahong yun ay di kami madalas sabay umuwi, wala na kaming math at grammar sessions tuwing linggo, di na kami sabay kumakain tuwing tanghalian at di na kami masyadong nag-uusap.
Sa tuwing walang pasok ay umaalis na siya ng bahay nila. May isang beses nga akong nasaksihan kung paano niya hinalikan si Ryuna sa tapat ng bahay nila. Sobrang sakit ng puso ko non. Gusto ko mang umiyak pero di ko magawa, dapat ngang masaya ako para sa kanya pero ba't ganun? Ba't ang sakit-sakit dito sa puso ko? Ba't nagseselos ako at naiinggit? Ba't hanggang kaibigan lang ako?
Hayun na nga, nagfocus nalang ako sa pag-aaral kasi gusto kong makapagtapos para uuwi na dito ang mga magulang ko. Palagi akong top sa klase at nabalitaan ko nalang na di na gaanong pumapasok si Taehyung sa klase nila. Nabalitaan ko nalang na mababa ang grades niya at nagbibisyo na siya.
Nang dahil dun ay agad ko siyang hinanap nang wala sa oras. Nakita ko nalang siya sa hill view na malungkot na nagmumukmok at nakapikit lang ang kanyang mga maamong mata.
Tinitigan ko lang siya pero agad ko namang nilayo ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang tumingin sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na diretso lang ang tingin sa'kin.
Di ko siya tiningnan sa mga mata pero kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa'kin at mukhang malungkot ang kanyang awra.
"Nandito ako para kausapin ka," mahina kong tugon.
"Diba dapat nasa paaralan ka pa para mag-aral pero ba't nandito ka? At ba't mo naman ako kakausapin?" tanong niya sa medyo masungit na tono kaya nabigla ako dun.
Tumingin naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay pero laking gulat ko nang bigla niyang inalis nang napakabilis ang kamay ko sa kamay niya.
"Tae..."
"Wag mo akong kausapin, Jiyun. I don't need you, I only need Ryuna. Kaya umalis ka na. Ano bang kailangan mo sa akin?"
Nagulat muli ako sa kanyang sinabi. Those words broke my heart into million of pieces. Mas kailangan niya ang babaeng nanakit sa kanya keysa sa best friend niya tunay na nag-aalala sa kanya.
"Pero, Tae...andito lang ako. Kailangan mo nang bumalik sa pag-aaral. Diba pangarap nating matapos para di na maghirap ang mga magulang natin? Kalimutan mo nalang siya---"
Bigla siyang tumayo at sinumbatan ako ng tingin. "Ano bang pakialam mo sa akin, Jiyun?! Umalis ka nga! Matagal ko nang tinitimpi ang galit ko sa'yo, alam mo ba 'yun?!"
Napadako ang mga mata ko nang dahil sa kanyang sinabi. Ano namang ibig sabihin niya? Bakit may galit siya sa'kin? Ano naman ang nagawa ko?
"Nang dahil sa'yo ay hiniwalayan ako ni Ryuna! Nang dahil sa pangsisira mo sa akin ay nawala ang taong pinakaimportante sa'kin! Sabihin mo nga, Jiyun, sisirain mo na ba nang tuluyan ang buhay ko? Akala ko ba'y magkaibigan tayo? Akala ko ba'y partners tayo? Pero anong ginawa mo? Siniraan mo ako sa girlfriend ko at sa buong mundo! Sinira mo ang pangalan ko, Jiyun!"
Nang dahil dun ay nadapo sa kanyang pisngi ang mabigat kong palad ng aking kamay.
Di ko siya naiiintindihan kung bakit niya 'yun sinabi pero wala akong kaalam-alam sa isyung 'yan. At wala akong alam dahil matagal na niya akong iniwan, iniwan niya ang pagkakaibigan namin.
Dinuruan ko siya habang napahawak lang siya sa kanyang pisngi.
"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Taehyung dahil alam mong hindi akong ganyan na tao. Nirespeto ko kayo ng girlfriend mo, nirespeto ko ang pagkakaibigan natin at hinayaan ko lang ang aking sarili na masaktan nang dahil sa ginagawa mo. Di lang ako nasaktan nang dahil sa kinalimutan mo na ang pagkakaibigan natin, nasaktan din ako kasi mahal kita! Pero alam ng mundo at alam mo na di ko magagawang siraan ka sa mga mata ng iba. Siguro nga, tama lang na di ko nalang sinabi ang nararamdaman ko sa'yo."
Bigla nalang tumulo ang mga luhang kanina pang gustong-gustong lumabas mula sa aking mga mata.
"You don't deserve our friendship. Kung yan man ang tingin mo sa'kin, edi fine! Hindi ka yayaman sa pagbintang niyo ng girlfriend sa'kin niyan. I'm sure na may kahantungan din ng lahat nang 'to. Maybe, we don't deserve this kind of friendship. Thank you for being my friend for a long time but it will not last long. I hope that you'll find a better friend than me. Siguro'y kailangan ko na rin magpakalayo sa'yo dahil masasaktan lang ako. I have to stop my feelings for you. This will be the last time, ayoko nang masaktan pa at ayoko nang itataboy mo naman ako ulit," sabi ko saka hinawakan muli ang kanyang kamay.
Ayoko nang masaktan pa nang dahil sa kanya. We'll be just friends for sure at alam kong di niya ako magugustuhan.
"Thank you for being my best friend," huli kong sabi at umalis na sa kanyang harapan.