Continuation

7 3 0
                                    


Nakipagkaibigan siya sa'kin simula non. Nagkwentuhan kami at naglaro ng mga larong di ko pa naranasan mula noon. Masaya naman akong naging kalaro ko siya dahil palaging siya nalang ang taya. Siya ang palaging humahanap sa akin pag naglalaro kami ng tago-taguan, siya ang humahabol sa'kin pag naglalaro naman kami ng habol-habulan, at siya naman ang tatay at ako naman ang nanay sa mga anak naming stuffed toys naming dalawa kapag maglalaro kami ng bahay-bahayan.

Naging magkaibigan naman ang mga lola at lolo namin sa matagal na panahon. Nagkukwentuhan din ang mga matatanda minsan sa may hill view habang kami nama'y naglalaro lang malapit sa palayan namin.

Minsan nga'y naglalaro kami sa putik at nakikipaghabulan kasama ang mga bebe, manok at kambing sa farm nila na hindi kalayuan sa mga bahay namin.

Noong dumaang kaarawan ko ay umuwi si appa at laking tuwa ko non. Kahit sandali ay nakasama ko si appa. Tsaka niregaluhan din niya ako ng isang kulay goldeng brown na aso. At pinangalanan namin ito ni Taehyung na 'Gb' short for golden brown.

Natawa ako sa pangalan ng aso ko kasi wala kaming alam sa mga pangalan kaya yun nalang ang ipinangalan namin sa kanya. Kami rin ang nag-aalaga sa aso ko minsan nga'y nakakalaro rin namin ito sa damuhan tuwing spring season na.

Tuwing hapon naman ay sumasakay kami sa kabayo niya na nagngangalang 'Toto'. Siya ang nasa harapan habang ako naman ay nasa likuran niya habang nakakapit sa kanyang cute na tiyan.

I was just a five years old who met a cute, adorable and my first ever best friend in my life named Kim Taehyung, a seven years old boy.

Lumipas ang mga isang taon at kinailangan na naming pumasok sa eskwelahan. Grade one lang ako habang grade two naman siya.

Nong una naming pumasok ay iyak lang ako nang iyak. Hindi ko bintawan ang kamay niya hanggang sa di siya sumama sa akin sa magiging classroom ko.

Wala namang nakapigil sa'kin kasi matigas ang ulo ko tsaka iyak lang ako nang iyak. Kaya nang dahil dun ay sa grade two nalang ako pinapasok at kaklase na kami ni Taehyung. Kumalma naman ako pero di nasagi ng isipan ko na itetest pa nila ang education skills ko.

They just asked some questions to me and I just answered their simple questions. Simple lang ang mga tanong ng mga guro kaya wala na silang angal at pinatuloy agad ako sa grade two.

Sa loob ng klase ay may nakilala na kaming mga bagong kaibigan pero di pa rin nagbabago ang nag-iisang kaibigan ko sa buhay na si Taehyung.

Masigla ako sa klase palagi at nagpaparticipate naman ako. Minsan nga'y tinatamad si Taehyung makinig sa guro pero tinutulungan ko siya sa mga projects at assignments. Palaging kami nalang ang partner, partner sa school, partner in crimes, partner sa pangungupit sa tindahan namin sa palengke at partner sa paglalaro.

Medyo malayo ang paaralan pero sa tuwing uuwi na kami ay sumasakay kami sa kanyang bisekleta. Siya ang nagpapadyak habang ako naman ay nasa likuran niya.

Lumipas ang mga sandaling panahon at dumating na ang winter season. Masaya kaming naglalaro sa labas kasama ang ginawa niyang snowman para sa'kin na si 'Tata'. Minsa'y nagbabatuhan kami ng mga snowballs at sumasayaw sa ilalim ng nyebe.

Sa pasko naman ay niregaluhan ko siya ng isang snowflake na keychain. Binigyan niya rin ako ng bracelet na kulay purple bilang regalo niya sa'kin.

Masaya kaming nanonood sa mga fireworks mula sa probinsiya sa hill view. Habang kumakain ng barbeque ay nakasandal lang ako sa kanyang balikat habang nanonood din ng fireworks show.

Ang mga sandaling lumipas ay umiba na nang tumuntong na kami sa highschool. Malapit din naman ang paaralan na pinapasukan namin ni Taehyung dito sa bahay. Pero di ko inaasahang di na kami magkaklase. Di naman siguro ako pwedeng iiyak sa harapan ng mga guro para lang magiging magkaklase na kami.

Sad Song||Kth||Where stories live. Discover now