Last

9 2 0
                                    


Paggising ko ay nanatili pa rin akong mahina. Hindi ako kumain at hindi rin ako nagtake ng mga gamot ko. Natrauma ako sa nangyari sa kanya kaya nagkaganito ako ngayon.

Sana'y ako nalang ang nawala at hindi siya. Wala na siya e... at di man lang siya nakapagpaalam sa akin. Pero kung nandito pa rin siya ngayon ay araw-araw ko siyang sasabihan ng 'mahal kita' dahil siya lang talaga ang nag-iisang lalaking mahal ko.

Kung alam niya lang na masaya ako sa mga nakaraan namin. Kung nandito pa rin siya ay matagal ko na siyang niyakap nang napakahigpit at di na pakakawalan pa.

Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Pinagtagpo kami ngunit di pinatadhana.

Kinausap ako ng mga parents niya at ng dalawa niya kapatid. Sinabi ko ang lahat sa kanila at may ibinigay sila sa akin na isang piraso ng nakatuping papel.

Agad ko naman itong binuklat. Tumulo naman ang luha ko nang makita ang kanyang sulat na medyo may pagkaluma na.

"Pinakaamahal kong, Jiyun,"

Alam kong marami akong kasalanan sa iyo at alam kong hindi mo ako basta-basta mapapatawad sa ginawa kong yon. Naniwala ako sa taong di makakapagkatiwalaan at di man lang inalam ang katotohanan. Inaamin ko, may gusto rin ako noong mga bata pa lang tayo ngunit di ko ito naipagtapat sayo kasi natatakot akong masira ang ating pagkakaibigan nang dahil sa nararamdaman ko sayo.

Pero laking tuwa ko nang malaman kong may gusto ka rin pala sa akin pero sa gayong nasaktan na kita sa panahong nagtapat ka na sa akin. You care for me but kinain ako ng galit kasi sinaktan ako ng babaeng minahal ko na rin. Hanggang sa di nga tayo nagpapansinan. Malungkot ako sa mga panahong yun kasi akala ko ay partner in crimes tayong dalawa pero bakit nahantong ang lahat sa sakit at galit?

Lumipas ang mga ilang sandali at bigla ko nalang naramdaman sa aking puso na hindi ko kakayanin kung mawala ka sa akin at mahal na rin kita. Mahal kita e pero I was too late. Nasaktan na kita at may iba ka na pala.

Gago ako, oo kasi nagawan kong saktan ang aking best friend. Di lang best friend kundi ang babaeng pinakamamahal ko. Di man tayo nagkasama sa koliheyo ay ikaw pa rin ang laman ng aking puso. Di kita pinalitan kasi ikaw lang.

Kaya sa mga panahong di ako nagparamdam kahit sa inyo ay nag-aral ako nang mabuti. Hanggang sa nakapagtapos na ako at nakaipon na ng pera. Hinanap kita at nahanap din kita sa wakas. Kaya nong nahanap na kita ay di ko na sinayang pa ang panahon at sinabihan kita ng ILY.

Mahal na mahal kita, Jiyun at alam kong mahal mo ako. Kaya kung mabasa mo man to ang sulat ko para sayo ay sana magsulat ka rin para sa akin. Alam kong medyo oa tong sulat ko pero hehe mahal na mahal talaga kita. At maghintay ka lang sa surpresa ko sayo kasi papakasalan kita at di ko na bibitawan ang kamay mo.

Nagmamahal, Taehyung

Mas lalo akong naiyak sa kanyang sulat. May dumating naman na mga bagay na nakita ng mga nurses sa bag ni Taehyung sa nangyaring aksidente sa kanila kasama pa ang benteng pasyente.

May isang maliit na keychain, may isang maliit na bouquet ng mga orange tulips at may isang engagement ring.

Naiyak nalang ako dito sa aking kama. Umiyak din si eomma at ang kanyang mga parents. At sa kanyang libing naman ay pumunta ako. Ako mismo ang nagdala sa kanyang picture frame at nagbigay rin ako ng mensahe sa kanya.

Lumipas ang dalawang araw at mas lalo akong nanghina. Di na kinaya ng aking katawan ang sakit kong cancer. Nang dahil dun ay napilitan nang putulin ang aking paa. Palagi lang akong nakahiga sa kama at tanging oxygen nalang ang kinakapitan ko para ako'y makahinga pa.

Pero sa ngayon ay alam kong di na ako magtatagal pa. Maiiwan ko man sina eomma at appa pero makakasama ko rin naman si Taehyung pag mawala na ako sa mundong 'to.

Kaya ngayon, habang nakahiga ay naghihintay nalang ako sa tamang panahon. Naghihintay nalang ako sa panahong kukunin na ako ng panginoon at naghihintay lang ako na makakasama ko siya ulit.

Mahal ko siya at mahal ko rin ang pamilya ko pero alam kong maliit lang talaga ang oras natin sa mundo. Kaya sa pinakamamahal kong namamayapa na, maghintay ka lang kasi makakasama rin kita. 

Sad Song||Kth||Where stories live. Discover now