Continuation

4 2 0
                                        


Lumipas ang dalawang linggo at di ko na siya kinakausap at di ko na siya pinapansin. Di na rin kami sabay sa pag-uwi at palagi nalang akong tumatago pag tuwing nasa paligid ko lang siya. Ayoko na ring maging parte ng buhay niya dahil alam kong masasaktan lang ako.

Nitong mga nakaraang araw ay nalaman kong si Ryuna pala ang nangsisira sa kanya. Pinaikot niya lang si Taehyung. Ginamit pa ng bruha ang pangalan ko. Pero di ko na siya pinansin, pinaglampas ko nalang 'yun dahil ayoko nang gulo.

Malandi si Ryuna, nang-aagaw siya ng mga may girlfriend. Pero di na niya nilalapitan si Taehyung. Pero kung sakaling maling akala lang yun ni Taehyung, payts na yun basta di lang ako ang masama sa isipan at paningin niya.

Nagkaroon ako ng cellphone at may ka-chat ako tuwing free time ko. May nakilala akong mga bagong kaibigan mula sa syudad at may nakilala rin akong lalaking nanliligaw sa akin. Hinayaan ko lang si Jungkook na manligaw sa akin ngunit di ko pa siya sinagot. Kailangan ko munang makagraduate sa high school bago ko pa man siya sasagutin.

Sa tuwing weekends ay pinapadalhan ako ni Jungkook ng mga mamahaling bulaklak at chocolates na galing syudad pa. Tinatanggap ko naman ito at ako'y nagpapasalamat din sa kanya. Ngunit gusto ko siyang makita sa graduation day namin.

Dumating na ang graduation pero di pa rin kami bati. Nawala na ang nararamdaman ko sa kanya nang dahil sa nangyari at nang dahil sa ayoko nang masaktan pa at aasa lang sa wala.

Pinagbilinan ako ng guro namin na kakanta raw ako sa graduation since magbibigay rin ako ng speech. Pinaghandaan ko naman ang lahat pero di ako handa sa posibleng mangyari.

Hanggang sa nakatungtong na nga ako sa stage; sa harapan ng mga estudyante, guro at ng mga magulang namin. I sat down on a single chair and played my guitar.

As I offered them my song, I began to cry. I cried because I saw my parents again I cried because I'm a graduate student of highschool and I cried because I will be on the next stage.

Habang kumakanta ay sinilayan ko ang mga taong nasa harapan ko. Nakita ko sina Appa at Eomma na naiiyak din. Nakita ko rin ang aking lola at lolo na nakangiti lang sa'kin. Ang mga guro nama'y nakikisabay rin sa'king pagkanta. At ang nag-iisang kumuha ng aking buong atensyon ay ang taong kaibigan ko.

Sana nga'y magkasama kami ngayon dito sa harapan ng mga habang kakanta gaya nang ginawa namin sa graduation namin sa elementarya pero wala na e, parang strangers nalang kami.

Nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti. Di ko mapigilang mapahagulhol nang dahil sa naranasan.

I deserve to be happy but why I think that I don't?

After my performance and after my speech, dumiretso ako sa back stage para kunin ang mga gamit ko. Mukhang ako lang ang mag-isa dito sa loob pero sanay na talaga akong mag-isa.

Nagulat nalang ako nang may biglang yumakap sa'king likuran.

"I missed you," bulong niya sa teynga ko.

Di ko alam pero naiiyak na naman ako. Siguro nga'y alam na niya ang lahat.

"Let me go," mahina kong sambit sa kanya ngunit di pa rin siya kumalas sa pagyakap sa'kin.

"Im sorry," bulong niya ulit kaya mas lalo akong naiyak. "I am so sorry for everything. Di ko alam na ganun pala yun. I am sorry for being a jerk to you, Jiyun."

I faced him and gave him my bitter smile. "It's okay. Pinaglampas ko na yun, kalimutan na natin yun Taehyung. Past is past."

"But I mean it. I am really sorry...I hope that you'll forgive me," sabi niya at niyakap ako.

Mahigpit ang kanyang pagyakap sa'kin. Niyakap ko rin siya kasi miss ko na siya, namiss ko ang best friend ko. Pero kumalas din kami sa pagyayakapan.

"I'm sorry but I have to go..." paalam ko ngunit di niya ako binitawan at bigla nalang akong hinalikan sa'king mga labi.

Di ako tumugon at pilit siyang inilayo mula sa'kin pero ang lakas ng pagkayakap niya sa'kin at gumagalaw pa rin ang labi niya.

Nakahinga ako nang humiwalay ang kanyang labi sa labi ko. Pero di ko pa rin napigilang umiyak.

"W-why did you do that, Tae?"

He kissed me again up to my forehead. "I realized na hindi ko pala kaya ang mawala ka sa buhay ko and I just realized when the time na hindi tayo magkaayos...I love you..."

"You can't," I responded and humiwalay na sa kanya.

No, I can't. Naghihintay na ang boyfriend ko sa'kin. I have to leave.

"But I love you," he said again.

"I have to go... hinahanap na niya ako," sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko.

Bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Jungkook na may dalang isang bouquet ng purple flowers.

"So...may boyfriend ka na pala. That's a good thing then," sabi niya pero di ko na siya pinansin.

Lumapit nalang ako kay Jungkook at niyakap siya. Muli akong tumingin kay Taehyung na malungkot ang awra at tuluyan nang umalis sa lugar na yon.

I have to go, kahit pa man alam na niya ngayon at mahal niya ako, wala na talaga. Wala na akong nararamdaman sa kanya dahil ang lahat na pagmamahal ko ay ibinuhos ko na lahat kay Jungkook. Siya na ang mahal ko at di na yun magbabago pa.

Sad Song||Kth||Where stories live. Discover now