Dumating ang panahon at nanatili pa rin ako sa hospital. I didn't recovered yet but I'm still fighting. I am still fighting because I have reasons.
Still, naging maputla at mahina pa rin ako. Kahit anong gagawin kong paggagamot sa aking sarili ay di pa rin ako bumabalik sa dati. Mas masaklap pa ang kalagayan ko ngayon keysa sa kalagayan ko noon.
Habang nag-iisip ako sa aking kama dito sa kwarto ko ay tumunog ang notification sa aking cellphone. Mabilis ko namang inabot ang cellphone ko at nag-text pala si Taehyung sa akin.
Pupunta siya dito dahil may surpresa siya sa akin at maya-maya ay dadating na siya. Malapit na siyang dumating. Naging excited naman ako kung ano ang kanyang surpresa sa akin. Tsaka excited na naman akong makasama ulit siya dito habang nasa piling niya ako.
Kahit ganito kalala ang sitwasyon ay masaya pa rin ako. Masaya akong nanatili lang si Taehyung sa tabi ko. Masaya akong di niya ako iniwan kahit maliit lang ang tsansa na mananatili pa ako dito sa mundo. I still think positive things kasi alam kong andiyan lang siya sa tabi ko at di niya ako iiwan.
Lumipas ang dalawang oras ngunit di pa rin siya dumating. Baka natraffic lang siya or what kaya hinintay ko pa rin siya kahit kailangan ko nang magpahinga.
Isang oras na ang lumipas at alas nwebe ng gabi ay di pa rin siya dumating. Nag-aalala ako sa kanya o baka di siya natuloy kasi may urgent meeting pero alam kong dadating siya e. Dadating siya.
Bumangon muna ako sa kinahihigaan ko pero nabigla nalang ako nang bigla akong natumba at nalaglag sa sahig. At nang dahil dun ay nahulog ang cellphone ko at vase sa sahig at gumawa ito ng napakalas na ingay.
Tinulungan naman ako ni eomma na makatayo pero di ko na magawang makatayo pa. Nanghihina na ang mga paa ko. May napakalaking sugat rin ako sa aking binti kaya nagkalat na ang mga dugo sa sahig. Nabasag na rin nang tuluyan ang aking cellphone pati ang vase na may mga bulaklak na binigay ni Taehyung sa akin kahapon.
Humingi naman ng tulong si eomma sa mga nurses at agad nila akong dinala sa emergency room. Nahihilo pa rin ako pero pilit ko pa ring di mawalan ng malay kasi may hinihintay pa akong tao.
Nagtaka ako kung bakit ang rami ng mga nurses ang nagpunta sa emergency room. May mga doctor din ang dumating ngunit di ko na sila pinakialaman.
Medyo malalim ang aking sugat sa aking binti nang dahil sa nabasag na vase kaya mas matatagalan pa ang paggamot nito. At tsaka nahihilo na talaga ako at wala na akong lakas pero kailangan ko pa ring makita siya.
Nagsidatingan naman ang mga iba pang staffs at ang bilis ng mga kilos nila. Nakahiga lang ako ngayon sa isang single bed dito sa emergency room habang ginagamot ang aking sugat.
Napatingin naman ako sa tabi ko nang biglang binuksan ng isang nurse ang kurtina sa kabilang higaan.
Napaiyak nalang ako nang makita ko ang kaawa-awa niyang kalagayan. Di ko mapigilang tumayo at sugurin siya nang yakap habang di pa man tapos ang paggagamot sa aking sugat.
Kahit di na ako makatayo ay pinilit ko pa rin ang aking sarili. Nagulat din ang mga doctor at nurses sa aking ginawang pagyakap sa kanya. Mahigpit ko naman siyang niyakap at saka hinalikan sa kanyang mga labi.
Kilala ko siya e. Kilala ko ang lalaking ito kahit puno na ng dugo ang kanyang itsura. Para akong mamamatay sa aking nasaksihan ngayong gabing ito.
Pilit akong ilayo ng mga nurses sa kanya pero di ko hinayaan ang aking sarili.
Iyak lang ako nang iyak hanggang sa sinabi ng isang doctor sa akin na wala na siya. Ginawa raw nila ang lahat pero malala raw talaga ang nangyari.
Nakita ko naman ang mga iba pang pasyente na wala na ring mga buhay kaya mas lalo akong naiyak.
Ang akala ko pa naman ay walang iwanan. Pero ba't ganun, ba't siya ang unang umiwan sa akin? Ba't siya ang unang bumitaw sa pangako? Di ba ako dapat ang nasa kalagayan niya ngayon?
Pero bakit mukhang mas excited pa siya keysa sa akin? Bakit parang mas nauna pa siya keysa sa akin? Ba't ganun?
Tinitigan ko lang ang kanyang angelic face habang yakap-yakap siya. Pero di ko talaga maisaulo ang lahat ng nangyari ngayon. Hanggang sa nanghina na talaga ko at nawalan na naman ako ng malay.
