Muli

15 2 0
                                    

Magagawa ba muli nating ngumiti ng tulad ng dati...

Doon sa mga larawang kinuha mo dati,
Sa lugar na kung saang aki'y binigyang dahilan,
Na ikaw na kasi ang mamahalin sa bawat araw at gabi,
Na tayo'y daraanan lamang?

Magagawa ba nila tayong paghiwalayin...

Sa oras at mga araw,
Na kailangan natin ang isa't isa
Upang mawala nang bahagya,
Ang sakit na dala ng bawat trahediya?

Magagawa mo pa ba akong mahalin sa kabila ng sakit...

Na aking magiging sukli,
Sa pagmamahal at panahon na ibinigay mo sa akin,
Sa buhay mo na iyong hinati,
Upang mabuo lamang ako muli?

-----------------------------------------

Mamahalin parin kita,

Maging malata pa man,
Kahit abutin pa ng aking katandaan,
Sana ay iyong tandaan,
Na ibinigay ka na ng Panginoon sa akin bago pa man tayo nagpalitan ng mga pangalan.

Words I Should Have Said || Filipino Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon