KAYAMANAN

11 1 0
                                    

Alam mo minsan napapaisip nalang ako kung,
totoo yung sabi nila na hindi nabibili ang pagmamahal.
Hindi rin.
Kadalasan nga hindi natin alam na binibili na natin yung gusto natin eh.
Panlilibre, paghahatid sundo sa kanya,
Kadalasan nga ay may mga nagagawa ka ng hindi karaniwan para sa'yo.
Ikaw kasi yung tipo na mas pipiliin na abutin ka ng mga kaibigan mo
Sabay sabi ng,
"Huy ano na ba. Try mo lang dali"

Pero kahit anong gawin mo,
Balewala lang naman sa dulo.
Kasi walang permanente,
Walang mananatili maliban lang sa sakit na madadala ng pag-asa na andiyan,
DIYAN sa puso mo na alam mo na  siya na nga.
Na IKAW na nga.
Na akala mo na siya na nga,
At akala mo ikaw na nga para sa kaniya.

Napagtanto ko na ang paghahanap ng 'The One' ,
Ay parang naninirahan ka sa malawakang palaruan.
Pero kahit anong tagu-taguan ng ating mga tunay na nararamdaman,
Ang makakaalam lang nitong nilalaman mga puso natin
Ay yung buwan,
Na ating sinasayawan,
Habang umaasa sa walang hanggan,
na makakasama kita at aking  hahawakan
Ang iyong mga kamay saka ko sasabihin na
'Halina at tayo'y magmahalan'.
At ng dumaan na nga ang mga araw,
Sabi mo sa akin na hindi natin hahayaan na
Tayo'y Magkalimutan,
Magsakitan,
At syempre dahil nga minahal na kita,
Ito naman ay aking pinaniwalaan.

Tumawag ka.
Sabi mo,
"Beh, Kamusta?"
Sabi ko naman,
"Ayos lang. Ikaw?"
At sa mga panahon na lumipas pagkatapos noon,
Ang 'kamustahan' naging 'murahan' ,
Ang pag-aayos sa aking sarili'y nawasak,
Ang minahal mo ay hindi na ako,
At hindi na nga ikaw ang minamahal ko.

Nagkalimutan na at nagkasakitan,
Hanggang sa napagtanto ko na ako na ay iyong iniwan.
Kasalanan ko narin siguro na aking hinayahaan,
Na nasira ako ng aking,
Nagiisang kayamanan.

Naging mayaman ako sa pagmamahal,
Nang dahil sa'yo.
Nang dahil rin sa'yo,
Nagmamakaawa ako,
Sa harapan mo,
Na sana ibalik mo yung kung sino ang dating sa akin.
Na sana ibalik mo yung mundong dating atin.
Na sana,
Sana lang,
Pinili mong manatili sa ginusto kang bilhin,
Sa kabila ng basag-basag na puso mo,
Sa kabila ng alaalang nagpapaalala sa'yo na wala kang halaga.

Basta ang alam ko ngayon sa paglipas ng paghihimutok na tinago ko,
Minahal kita, pero mas mamahalin ka niya talaga.
Mas mamahalin ka para sa kaniya.
Oo,
Mahirap mang tanggapin pero alam ko na darating siya.
Mas mayaman,
Mayaman ang imahinasyon at sa mga pamamaraan upang ikaw ay mapasaya,
Mas may kaya,
Mas may kakayahang alagaan ka.
At higit sa lahat,
Bibigyan ka ng mundo na hindi kayang bilhin ng kahit ano,
maliban lang sa pagmamahal niya para sa'yo.

Kaya Mahal, kung nababasa mo man 'to,
Sana ay iyong isaisip,
Na hindi ko ginawa ang tulang ito,
Para saktan ka.
Hinahanda ko lang ang sarili ko,
Sa katotohanang mawawalan na ako ng halaga sa buhay mo.
May papalit sa'yo,
May papalit sa akin.
Maraming nagmamahal sa'yo,
Hindi lang ako.

Sa pagtakbo ng panahon,
Maiintindihan mo rin,
Na ikaw ay magsisilbing mga dahon,
Sa mga halaman na hindi lamang sa akin.

**************************
Another spoken poetry made
ON THE SPOT.

This day just gave me lots of realization. Nalaman ko na sobrang laki pala talaga ng epekto ng pagmamahal, lalo na pag tamang-tama ka.

Words I Should Have Said || Filipino Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon