AgIw (Aking Giniliw)

6 1 0
                                    

Sabihin pa man na wala ng halaga,
Ang kumapit pa sa may ayaw na nga,
Hindi parin susuko sa kabila ng mga luha,
Na Idinulot ng pag-asang naglaho na.

Bumilang pa man ng isa hanggang tatlo,
Wala pa rin namang daratnan pag tumalon ako.
Tanging sakit at kadiliman lang ang matatamo.
Walang halaga, kung bumitaw pa ako.

Iwasan pa man ang nakaraan,
Yung mga panahong malinis pa ang aking katauhan,
Tanging sarili ko lamang ang aking pinahihirapan,
Kaya walang halaga kung aking tatakasan.

Wala na nga bang halaga ang mga tulad ko,
Na nilimot at hinayaang mabulok sa kulungang ito?
Nalaman ko na may katotohanan pala ang mga sinabi mo,
Na kahit ako mismo ang pahirap sa sarili ko.

Kaya sa tuwing natatanaw na kita,
Palagi kong iniisip kung ito na ang nakatadhana,
Na darating ang araw na ako'y iyong itataboy na,
Kapalit ng kapayapaang hinahangad mo tuwing umaga.

Words I Should Have Said || Filipino Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon