Rosas 🌹

7 1 0
                                    

Isang oras ng paghihintay na sana'y umamin,
Aminin sa akin at ipaalam na ang lihim.
Dalawampu't pitong araw ang aking ibinigay,
Subalit hindi ko inaakalang ako'y iniwan mo bigla,
Sa mga panahong ang buhay ko'y pinuno mo ng kulay.

Naghihintay, naghihintay sa kawalan
Katawan ko'y nanginginig na sa ilalim ng tulay,
Tulay na kung saan tayo'y nagkita't nagsayawan
Hinawakan ang kamay kong tuluyang tumamlay,
Dahil sa loob ng isang oras na ako'y iyong ipinahawakan
Sa mga Diyos at diyosa,
Alam ko na handa na akong mamatay.
Para sa'yo, lulusubin ko ang karagatan,
Haharangin ang hanging maaaring ilayo ka sa ating tahanan,
Handa akong ibigay lahat para sa ating pagmamahalan,
Handa akong gumawa ng tula para lamang sa iyo na may kagandahan
Ang puso't isip para sa karamihang nahihirapan,
Ako! Ako? Minahal mo nga ba ako ng walang kaplastikan? Nag bilang ako ng walong segundo.
Walang segundo ang aking ipinalipas,
Na hindi ko inaalala ang pag-ibig nating kumupas.

Ito na ang huling araw,
Lumipas na ang Dalawampu't pitong araw.
Ngayon, hinihintay ko nalang ang iyong paglisan sa mundong ibabaw.
Paalam mahal, ito ang rosas na ating itinanim,
Na sinabayan ka sa iyong pagpanaw.

Words I Should Have Said || Filipino Poem CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon