1

6.2K 14 0
                                    

🌹Tyrontroy

i have been a friend
a supportive buddy
and i have been here from the beginning
i'm your secret keeper
i'm your diary
i'm your number one supporter

"besh! akala ko ba di ka papasok huh?!" sigaw mo habang tumatakbo papalapit sakin, suot mo pa yung long sleeves na binigay ko sayo nung valentines day kasi nasira yung tsokolate'ng ibibigay mo dapat sa kanya

"naalala ko may long quiz pala tayo sa math, ayoko bumagsak no! 20 points rin yun" sakto namang pag tunog ng bell kaya agad kong kinuha ang kamay mo at patakbong nagpunta sa classroom

graduating na tayo at bilang bestfriend mo, aminado naman ako na kailangan rin kitang ilayo sa gimik minsan gaya ng paginom dahil ayokong bumagsak ka, araw araw pinapaalalahanan na mag-aral ka ng mabuti kung gusto mong may maipagmalaki sa kanya

"hindi ka pwedeng bumagsak huh, inaaraw araw mo na yang gimik mo sa paginom pag ikaw nako.. ewan ko nalang sayo rose" ginulo ko yung buhok mo sabay upo sa tabi mo at sinamahan kang magreview.

plump lips, long eyelashes and toned skin, not bad for a girl who keeps a guy waiting for 2 years. my bestfriend has been waiting for graduation to give the perfect gift to the guy he really loves. it's her "yes" and i'm sure abot tenga ang ngiti ng lalaki sa oras na makuha nito ang pinakamatamis niyang oo

it happened one time after class and it rained and we weren't bringing any umbrella "kung kelan naman pauwi na ako saka umulan ano ba yan!"

"di ka kasi nagdala ng payong" i heared you laugh beside me, alam kong pauwi ka na kasi hawak mo pa yung payong na bigay niya sayo "dinala kasinng kapatid ko sa school wala tuloy akong magamit tsk"

"sumabay ka nalang sakin, malaki naman tong payong" you opened the umbrella and sheltered me in
"hindi na rose! hihinto na rin to mamaya" i stepped out and smiled pero dahil sa makulit ka, nagpumilit ka pa rin

"hapon na baliw ka, tara na ikaw nalang maiiwan dito sa room" agad mo akong hinatak sa braso at sa ilalim ng ulan, sabay nating pinagsaluhan ang payong na bigay pa ng taong mahal mo

it was my hand that was intertwined with yours on the umbrella's handle, i can feel the heat, i can feel the warmth and god how good it feels to touch this hand forever, i smiled at my thought and looked at the corner of my eye, maingat kong pinagmasdan ang imahe mong halos 2 taon ko ng kabisado, that face of rose.

pero may mga oras rin siguro at araw na kailangan kong makita ka sa di kalayuan habang nakapayong kasama ang ibang tao, like this one time, days before our graduation. it was raining and he had you covered with his leather jacket to keep you warm, palagay kong uwian nun.

"besh!" kaway mo sakin at agad ring tugon ng kasama mo kaya naman ngumiti ako "uuwi ka na? dito ka mna"

"magsusundo pa ako sa school, maagang uuwi kapatid ko eh" i rubbed my nape and smiled still, pasulyap na pinagmasdan ang kamay niyong magkahawak kaya umalis naman ako agad

palapit ng palapit ang araw ng graduation at mas pabigat rin ng pabigat ang pakiramdam ko. hindi ko malaman kung masaya ako o malungkot o di naman kaya dahil sa dahilang

"hindi ako"

bulong ko sa sarili sa ilalim ng ulan

"iniiwasan mo ba ako huh? galit ka ba sakin? ba't ka ba ganyan? ano bang ginawa ko sayo?" halos mangiyak ka na habang nagsasalita, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at dalawa tayong tila walang pakialam

"wala ka ngang ginawa, wala lang ako sa mood ngayon"

"wala sa mood? damn besh! halos isang linggo mo na akong hindi iniimik o kinikibo tapos ngayon sasabihin mong wala ka sa mood? nagbibiro ka ba huh?"

"wag na nalang nating pagusapan rose please, gusto ko na munang magpahinga"

"hindi nga pwede, maguusap nga tayong dalawa" agad mo akong hinatak sa braso kaya naman napahinto ako

"sige na rose, hinihintay ka niya kanina pa, may lakad kayo diba?" my tears can't stop along with the rain itself, sobrang bigat ng pakiramdam ko at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa ulan

"dahil ba kay troy? besh..?" lumapit ka sakin at hinarap ako "simula nung mas naging malapit ang graduation, naging ganyan ka na..

hindi ka naman ganyan dati, hindi mo ko kayang iwasan o hindi kibuin, ngayon? halos buong araw kang wala, halos hindi kita makita sa school, ano bang problema huh?"

"hindi mo ba naiintindihan rose? nahihirapan ako" hinarap kita at hindi ko na mapigilang umiyak "nahihirapan ako kasi ganto yung setup nating dalawa, nahihirapan akong samahan ka pero bago matapos ang buong araw ibang tao ang hahanapin mo, ako yung kasama mo pero ibang tao ang hinahanap mo"

patuloy na bumagsak ang luha ko kasabay ng ulan "nahihirapan ako kasi ako yung andito pero iba yung taong bukam bibig mo, nahihirapan ako kasi ibang tao yung makakangkin sayo at alam kong hindi ako yun! dahil bestfriend lang kita, nahihirapan ako rose kasi bestfriend kita, kasi mahal na kita"

tuluyan ko ng nasabi ang bagay na halos dalawang taon ko na ring tinago, dalawang taon kong dinamdam at dalawang taon kong tiniis.
dahil alam kong hindi pwede
dahil alam kong hindi ako

"besh.." garalgal na rin ang boses mo at sa ilalim ng ulan ay alam kong umiiyak ka

"wag mo ng ituloy please--"

"besh im sorry.. hindi pwede, alam mo yan"

"alam ko rose"

"dahil pareho tayong babae"

Random LibraryWhere stories live. Discover now