HANGGANG DITO NA LANG

28 0 0
                                    

Sobra Sobra kitang mahal
Na kahit walong oras pagitan
Ay nilakbay makita ka lamang
Halos maiyak nang tayo ay magkawalay

Nangako tayo na kahit magkalayo
ay mamahalin ang isa't isa.
Magkakaroon ng basketball team
ng mga chikiting na kukumpleto sa bubuuing pamilya

Naaalala ko pa
Sinabi mong magkikita tayo sa dambana
Hihintayin sa harap ng altar ng simbahan
Pero ngayon ay ano na?

Ganun nga ba pag nagmamahal?
Nakakabaliw pag di kasama ang taong mahal
Halos oras nagdaraan, parang taon ang pagitan
Napakasakit isipin na hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang

Sa panaginip nakita kita na may kasamang iba
Masaya kasama sya at iyong barkada
Akala ko bangunot na
Totoo na pala

Sa birthday mo
Susorpresahin sana kita
Masaya nman nung una
Hanggang nakita kong akbay akbay mo na siya

Kinantahan kita habang tumutulo ang luha
Gusto kong sumigaw pero Di ko magawa
Tinago ko ang sobrang sakit
at nakisama pa.

Hinayaan ko ang sariling magpakatanga
Kahit Sobrang sakit na
Hanggang bitawan na kita
Paalam na

________________________________








Chapters Of Myself (poetry And Others) Where stories live. Discover now