High School Kilig Life

9 0 0
                                    

Pasulyap sulyap
Tinatago ang kilig na nadarama
Pag nakikita kita
Mula sa aking kinauupuan
Para na akong natutunaw na kandila

Alam kong para akong tanga
Nakakaloka
Di na maayos ang paghinga
Pag tumingin ka rin
sa akin nang bigla

Lumalaki ang aking mga mata
Dibdib ay naririnig ko na
Tugudug, tugudug
At pangiti-ngiti ka pa?
Ay nakup! Ano ang nakakatawa?

Kumindat, tumayo
Umiwas ako ng tingin
Yumuko
Di ko na alam ang gagawin

Nag-aapoy ang mga pisngi
Self, ba't kasi 'di ka magpigil?
Papatayo na ako
At magwawaring aalis

Nang pagtayo ko'y nakaharap na sa akin
Ang mga matang sa malayo ko lang
nahahagip ng tingin
Napalunok, napatunganga, nakalimutan ko nang magsalita?
Ngiti lang self, ngiti lang

Tumugon ka rin ng ngiti at umalis
Ano yun?
Napaupo ako at inalala ang mga pangyayari
Hindi ako makapaniwala

Sa unang beses
Ay pinansin niya
Ang pagtinging
Isang tao't kalahati ko nang nadarama



Chapters Of Myself (poetry And Others) Where stories live. Discover now