SARAH's POV
*Kinabukasan*
Bwesit na khate na yan lakas ng loob na tawagin akong matanda na e 29 lang ako pag ako talaga nakahanap ng lovelife talbog yan kanila ni octav kala nya ha. Tsaka bakit ba ang aga aga yun agad iniisip ko? Kasi naman eh bakit ba kasi single pa ako kasalanan mo to kupido bat hanggang ngayon wala paring dumadating na lalaking magiging labilabs ko isang tira lang oh dalawang arrows lang ang mababawas sa bilyong bilyon mong arrows hindi mo pa ako mabigyan.
Kaysa yun ang iniisip ko bumangon nalang ako at naligo pagkatapos ko maligo bumaba na ako at dumiretso sa kusina tulog pa si khate si mama naman siguro gising na hindi lang nababa madalas yun sa kwarto nya at nagbabasa ng libro wala naman daw kasi syang ginagawa dito sa sala at bawal naman daw sya mapagod kaya dun nalang sya sa taas which is tama naman si tito roland naman busy sa work minsan nalang yun umuwi dahil marami syang business na ginagawa sya lang kasi ang maasahan dito sa pamilya nila.
At dahil sabado ngayon hindi nagluluto ng maaga si yaya beth dahil lalamig yung mga pagkain hindi kasi masarap kumain pag hindi na mainit yung pagkain at tuwing sabado naglalaba si yaya beth kasama yung dalawa pang katulong. At dahil naglalaba sila ako nalang muna ang magluluto sinanggag hotdog at itlog nalang siguro lulutuin ko dahil inataki na naman ako ng katamaran sa pagluluto.
After ko kumain nagligpit ako ng pinagkainan ko hindi ko na kailangan pang ipaligpit to sa mga kasambahay dito dahil kapag alam kong kaya ko naman gawin ako na mismo ang gagawa sanay ako sa mga ganitong gawain dahil simula nang mamatay si papa ako nalang mag isa ang namuhay sa amerika para sa sarili at sa business na iniwan ni papa na hindi naman ganun kalaki pero dahil alam kong mahalaga kay papa yun kaya iniingatan at inaasikaso ko din pamana pa yun ng mga magulang ni papa sa kanya. Umuwi ako dito sa pilipinas for vacation two months ako dito dahil gusto ko rin naman magstay dito ng matagal at para naman sa trabaho na iniwan ko dun si elieza(eleysa) na muna bahala dun hindi naman kailangan ng full attention sa business na iniwan sakin ni papa dahil hindi naman nga sya ganun kalaki, store lang naman sya ng mga gamit for construction kaibigan ko si elieza sa
amerika pinay din sya nagkakilala kami sa school na pinapasukan ko nung college at dahil pareho kaming pinay mabilis kaming naging close sa isat isa.May dalawang anak na si elieza and guess what pinoy din ang napangasawa nya akalain mo yun kahit na nasa ibang bansa ka pwedeng pwede ka parin makahanap ng taong mamahalin mo habang buhay na nanggaling din sa bayang sinilangan mo.
"Good morning ate sarah aga aga lalim ng iniisip mo mamaya mo na kasi isipin si kuya edwaed"balik realidad ko ng magsalita si khate. Gising na pala sya.
"for your information lang naman young lady hindi si edward ang iniisip ko"pagtataray ko sa kanyan.
"well kung hindi sya sino"tanong nya habang sumasandok ng niluto kong sinanggag at hatdog.
"well hindi sino, ano. Pinaplano ko kasing ibenta nalang yung store ni papa sa amerika i want to stay here in philippines nalang ayoko na dun mag isa ako lagi papa has no relatives in america it will be ok if meron kahit sana isa lang yun bang may mapag iiwanan manlang ako ng store everytime na magbabakasyon ako dito"paliwag nag ko kay khate habang sya naman ay tunatango tango lang.
"much better nga ate pero hindi ba yun importante kay tito?"tanong ni khate. Well yun ang pinaka dahilan kung bakit ako nagkakaron ng second thought.
"yun na nga khate tsaka andun din yung puntod ni papa for sure malulungkot yun pag hindi ko sya dinalaw"
"edi dalawain mo sya once a year magbakasyon bakasyon ka dun"suggest ni khate and she has a point but the problem is financial hindi pwedeng umasa ako kila tito and mama para sa needed ko dito sa pilipinas.
YOU ARE READING
WHEN MY BIGGEST MISTAKE TURN INTO MY HAPPINESS
FanficPaano ba sumaya?pagba nakakatulong ka?pag ba meron kang taong napapasaya?pag ba inlove ka?or baka naman kapag mahal ka ng taong mahal mo?. Pero paano kung yung pinakamalaking mistake mo in your whole life ay ang maging dahilan ng happeness mo? Pwede...