Chapter X

32 5 9
                                    

Chapter X

"anong sabi ng nurse?" Tanong ko kay Lhian pagkabalik ko sa Clinic naabutan ko siyang nakahiga dun sa Clinic Bed habang nakatingin saakin. Iniwan ko muna kasi saglit siya dito kanina dahil ipinaalam ko sa Prof. Namin yung nangyari bago bumalik dito.

"Im fine!" He forced a smile kaya napabuntong hininga ako at naupo sa tabi niya kaya bumangon din siya para umupo.

"Bakit daw dumugo yung ilong mo?" Nag aalalang tanong ko. Tinawanan naman niya ako kaya hinampas ko siya, kita na ngang nag alala yung tao nagawa pang pagtawanan.

"Wala to okey? Dahil lang daw sa panahon kaya nadugo." Confident niya sagot kaya napayakap nalang ako sakanya. Im worried, hindi lang biglang kaibigan pero mas higit nadin dun . Uh! Bahala na nga lang kayo kung anong akala niyo between us pero walang kami okey?.

Pinagpahinga na muna nila saglit si Lhian sa clinic bago kami pinalabas binantayan ko pa siya at hindi ko na nagawa pang pumasok sa ilang subject. Pinagsabihan tuloy niya ako pero pinagtawanan ko lang siya.

Pati si Vince may tampo din sakin, Bakit daw mas marami na akong time kay Lhian kesa sa kanyang kakambal ko. Kahit kailan talaga ang lalaking yun hindi maintindihan. Napakagulo niya minsan, duh! Lagi ko kaya siyang binibisita sa Condo niya. Dinadalan ko pa nga ng pagkain eh, masyado lang talaga siya maarte daig pa sa babae.

Si Tricia naman? Ewan ko dun! Joke! Ayun nasa London padin ewan ko kung kailan siya uuwi o baka dun din niya ituloy ang pagaaral we were just talking through videocall tapos minsan lang, kasi andaming projects ang ginagawa ko tapos pag free time ko siya naman ang busy swerte nalang talaga yung time pag nag uusap kami yung nga lang hindi ganun nagtatagal.

Balita ko din, Si Mom dun na talaga siya sa bahay literally na nakatira. Maayos na kasi sila ni dad. Grabe! Ang rupok ng Daddy ko. Ganun ganun na lang? Napatawad niya si Mommy? Parang walang 7 taon ang lumipas eh. Bilis bilis nila. Sino ba yung bumalik? Si mommy? O binalikan siya ni Daddy? Pero impossibleng gagawin niya yun. Kaya malakas ang kutob ko na si Mom ang gumawa nun.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa Kotse ni Lhian papuntang computer shop na pag aari nila Lex. I know you know him. Siya yung kaibigan naman na Kinatuwaan din sa bar. Jade bestfriend? Remember?! Oh what ever! Why do I need to explain it at all?

"Its been a long time when you last played here!" Bungad saamin ng taga bantay sa com. Shop maybe One of Lex relatives.

"Yeah, Namiss din namin dito!" Sagot ni Lhian pumasok kami sa loob at naghanap ng Space.

"Open time please, Number 15 ako!" Sabi ko Kaya inlog in naman niya kaagad yung program. Nasa number 13 naman si Lhian sa 14 kasi ay may batang nakaupo at naglalaro dun.

In open ko Kaagad yung DOTA 2, Yeah I missed playing again. Medyo matagal tagal padin yung Championship pero hindi ko alam kung sasali pa ba ako? Ayos na kasi yung pinalitan ko eh. Siguro hindi na ako pupunta, ugh! Manunuod ako maybe?

Pagkatapos namin mag laro sa shop ay inaya ko si Lhian na kumain ng ice cream. Paborito ko kasi yun, sa Amusement park kami pumunta may malapit na parlor ice cream dun eh at masarap pa. Katulad ng dati rocky road yung flavor na kinuha ko samantalang siya ay Red velvet naman.

"Fishball tayo? Kumakain ka ba nun?" Tanong ko sakanya tumango naman siya kaya agad kaming pumunta sa manong na nagtitinda ng ibat ibang klase ng street foods.

Kumuha ako ng stick at tumusok ng isa mula sa palayok na kinukuluan pa ng mantika saka sinawsaw sa sauce bago sinubo.

"Sarap no?"

"Yeah! Mahilig ka din pala neto?" Tanong ko habang ngumunguya. Nakangiti naman itong tumango at nagawa pa ako subuan.

"A-aray!" Agad akong napatakip sa bibig ng napaso ako.

"O-okey ka lang?" Nag aalalang tanong niya saka inalis yung pagkakatakip sa bibig ko at sinuri niya ito. "Yan kase di nagdadahan, gutom na gutom?" Saka siya humalakhak kaya inirapan ko. Nagawa pa niya talagang mag biro.

"Magkanu po lahat?" Tanong ko sa Nagtitinda.

"20 peses lang!"

Ibibigay ko na sana yung bayad pero inunahan ko ni Lhian kaya napanguso ako, nu bayan lagi nalang siya yung nagbabayad. Pati din sa Ice cream!

"Sa susunod pag ikaw pa yung magbabayad dina kita papansinin." Inirapan ko siya at naunang naglakad, tumatawa naman itong sumunod saakin.

Naglakad ako papunta sa parteng playground umupo ako sa duyan at kusang pinagalaw ito gamit ang paa ko, pinikit ko ang mata ko at nalasap ang bawat hangin na tumatama sa mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam, nang humina ang galaw nito ay iduduyan ko na sana pero natigilan ako ng makita kong pinagmamasdan pala ako ni Lhian.

"B-bakit?" Nahihiyang tanong ko, shit baka may dumi ang mukha ko?

"Ang ganda mo!" Nakangiting sambit nito kaya dumampot ako ng maliit na bata at ibinato iyon sakanya.

"Uyy! Pota! Haha, t-teka. Totoo naman eh!" Pilit niya itong iniiwasan kaya natawa nalang din ako sa reaksyon niya. Nang tumigil ako sa lumapit siya saakin ng may pagbabanta sa Mata at labi siya.

S-shit! Agad akong tumakbo ng habulin niya ako. Umakyat ako sa slide saka nagpa dulas dun, sinunod naman niya ako dahil nga hinahabol niya ako. Para kaming bata na naglalaro at tumatawa.

"P-pagod na ako! H-hoy ISA..!" banta ko ngunit hindi ito tumigil hingal na hingal na ako at alam kung ganun din siya pero ayaw nitong magpatalo, muntik pa nga din akong madapa.

"HULI KA!" Pinulupot ang kamay niya sa aking bewang para siguraduhin na hindi ako makakatakas.

"KYAHHHHH!" Sigaw ko ng kilitian niya ako. Tumatawa siya ganun din ako.

"S-saglit Hahaha.. naiihi---hahaha na ako! H-hoy hahaha" hinampas ko pa siya sa braso dahil naiihi na talaga ako, buti nalang ay tinigilan niya din kaya nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga. Tumatawa pa niya akong tinitigan, naka upo ako sa damuhan buti nalang hindi madumi. Ganun din siya pero hawak ang kanyang tyan. Pinagtatawanan ako ng bwisit na to.

Nang maayos ay natigil din ito sa pagtawa tumayo siya at inilahad ang kamay sa harapan ko para tulungang tumayo kaya tinanggap ko ito, pero nabigla nalang ako ng bigla niya akong hinila.

"T-teka saan nanaman ba tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Sumakay kami sa Kotse niya, pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Habang buma byahe ako ay binuksan ko yung radio sa kotse niya kasabay naman ang pag tugtog ng Magkasama-Republikan.

"Wagg---" pigil niya saakin ng ilipat ko na sana.

"Fan ka?" Tanong ko na siyang pagtango naman siya.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan siya, sinasabayan niya kasi ang pagkanta at may napapapikit pang nalalaman.

"If Stare can kill, im dead!" Sabi niya kaya napaiwas talaga ako ng tingin.

"K-kapal, hindi ikaw ang tinitignan ko!" Depensa ko pa pero tinawanan niya ako. Inirapan ko nalang tuloy siya at tumingin sa bintana, nakakahiya! Potek akala ko kasi hindi niya napapansin eh.










***

Final BattleWhere stories live. Discover now