Chapter XI

23 6 3
                                    

Chapter XI

"Nandito na tayo!" Binuksan niya ang pinto saka siya lumabas para pagbuksan din ako. Napatingin ako sa paligid, Nasa isang mataas kami na lugar at masasabi kong maganda, may matataking puno at Vermuda grass sa palagid. May mga bulaklak din at tanaw na tanaw ang buong City dito.

Pero agad akong natigilan ng naalala kong, parang dun lang sa Tagpuan namin ni Raven pero mas simple lang dun.

Agad kong inalis sa isipan ko yun, Diko na dapat pang isipin yun. Ayos na ako ngayon! Napangiti ako at mangha.

"Nagustuhan mo ba?" Tumango ako at tumakbong palayo ng konti sa sasakyan at lumapag sa sahig.

"Hoy saglit, wag kang uupo diyan baka makati, may dala akong Blanket oh." Tumakbo papalapit saakin si Lhian at inilapag ng maayos yung blanket. Tumayo naman ako at naupo dun, muli siya naglakad pabalik sa Kotse at pagbalik niya ay may dala na itong basket.

"Naks, napag planuhan ah?" Nakangising tanong ko ng naupo na din siya sa tabi ko.

"Syempre, dito muna tayo hanggang gabi? May dala naman akong pagkain at gusto kong panoorin natin yung paglubong ng araw hanggang sa paglitaw ng bituin?"

Tumango ako at nahiga, malapit na din lumubog ang araw, tulala lang ako habang nakatingin sa kalangitan at hinihintay ang paglubong ng araw.

"Paborito mo din pala manuod ng ganito?" Napatingala ako sakanya, nakahiga din ito sa tabi ko at ginawang unan ang kanyang braso.

"Oo, Pati din sa lugar na to, dito ako pumupunta pag malungkot ako saka sisigaw. Dito rin ako nagpapalipas ng oras minsan." Naka tutok lang ako habang pinag mamasdan ko siya mang kwento, sinasabi niya kung ano ang naging karanasan niya dito.

"Kung hindi siguro ako naglasing at naligaw  nun malamang hindi ko natunton dito." Sabi niya saka humalakhak, napangiti din ako habang iniimagine yung pag k-kwento niya.

"May aso din dito nun hinabol pa nga ako nun eh tngina haha, Pero habang tumatagal nasanay na din siguro yung aso sakin nun kaya sa tuwing nakikita ako eh lumalapit habang yung buntot gumagalaw, lagi ko kasi itong dinadalan ng pagkain."

"Nasan na yun aso?" Biglang lumungkot ang mukha niya kaya agad kung naintindihan ang kinatuntunan nito.

"Wala eh, Natagpuan ko nalang na nakahiga siya habang bumubula ang bibig, nalason siguro." Napasinghap siya kaya tinignan ko ito sa mata. Umiwas siya ng tingin saka humalakhak. Hindi ko siya masisisi dog lover kasi ang isang to, pero nakakapagtaka dahil walang aso sa bahay nila.

"Wag na nga natin yun pag usapan!" Sabi niya.

"Okey ka lang?" Kumunot ang noo niya na tumingin saakin. "Oo naman bakit naman hindi?" Tumango ako.

Binalik ko yung tingin ko sa langit nang mag aagaw na ang kulay kahel at bughaw sa langit malapit na ang tuluyang paglubong ng araw. Mabilis ang pagkawala ng araw at pagdilim ng paligid unti unting lumitaw ang mga butuin ang pagliwanag ng buwan.

Tahimik lang namin iyon pinagmamasdan ng bigla akong napatingin kay Lhian, nagulat ako bahagya dahil nakatingin din pala ito saakin, walang sinuman ang umiwas saakin, pero bigla nalang naghurumento ang kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay Nag slowmo ang paligid.

W-what the hell was that?

Dahil hindi ko na kinaya ay ako na mismo ang umiwas ng tingin, pigil hininga ako nun at pasimpleng napahawak sa bandang dibdib ko.

Wala lang naman to hindi ba?

"Gutom kana ba? Eto oh!" Kinuha ko kaagad yung mansanas na ibinigay niya ng hindi siya tinitignan. Bakit bigla nalang naging ackward? Hays.

Final BattleWhere stories live. Discover now