Chapter XIII

19 4 0
                                    

Chapter XIII

"Hoy gising na dyan!" Napabaliwas ako bigla ng may humampas ng unan sa mukha ko. Inis kong tinapunan ng tingin si Vince na tumatawa. Nakatapis lang ito ng twalya malamang katatapos lang naligo.

Nakakainis, simula ng dito ako natulog lagi nalang niya ako pinag t-tripan tuwing gigisingin niya ako sa umaga. Minsan binubuhusan ako ng tubig. Naiisip ko ngang bumalik sa bahay namin kesa sa araw araw na masira umaga ko.

"Kailangan talaga humampas? Tngina mo!" Tumayo ako mula sa kama at kinuha yung twalya ko bago pumasok sa banyo. Pagkatapos ay kaagad din akong lumabas at nagbihis tanging jeans lang at white V-neck shirt ang sinuot.

Agad akong lumabas mula sa kwarto nang nakapagbihis na ako ng maayos. Nakatirintas lang ang mahaba kong buhok ay nagliptint saka kunting pulbo. Hindi naman ako mahilig sa mga make ups.

"Vince ano ulam-----ay palakang gago!"

"HAHHAHAAHH!"

"ANO BA VINCE KANINA KA PA AH?" inis ko siyang tinapunan ng tingin. Halos hindi na ito makahinga habang tumatawa kainis, ikaw ba naman ang hagisan ng Fake na butiki tignan natin kung hindi ka matatAkot.

"STOP!" Suway ko sakanya but still he's laughing. At dahil sa sobrang inis ko ay nilapitan ko siya at pinaghahampas sa braso.

"Ulol! Tama na! Aray!"

"Bagay sayo yan bwisit ka!"

"Kaya naman pala mas ginusto mong tumira sa bahay kesa dito! Haha now i know"

Natigilan ako sa paghampas kay Vince nang may narinig akong nagsalita, napatingin ako sa Sofa at nandun pala si Lander naka upo habang kumakain ng bread.

Eh? Anong ginagawa ng isang to?

"What are you doing here?" Naglakad ako palapit sakanya pero bago yun kinurot ko muna si Vince sa tagiliran.

"Bumisita lang, bakit papaalisin mo na ba ako?" Sumimsim siya ng kape bago sumubo ulit ng bread. Ay wow? Feel at home si Kuya.

"Hindi naman pero pwede rin!" Nakangising sagot.

"Aray! Sapol ako dun ah!" Sambit nito sabay hawak pa sa puso niya. Napailing nalang ako. Baliw eh! Pfft!

"Gusto ko lang ibigay to!" May dinukot ito sa bulsa niya dalawang invitation card sabay abot saakin.

"Ano to?" Tanong ko at pinagmasdan. "Lhian Hernandez 18th birthday?"

18 birthday? Ha! Birthday na pala niya?

"Yep, At mamayang gabi na yan! Hindi namin nabigay kagabi kasi hindi pa tapos editing niyan nun! So punta kayo ah? Aasahan ka nun!" Saka siya humalakhak. Napatango naman ako.

"Ano yan?" Lumapit si Vince saamin dala yung Umagahan namin. Anim na hotdog dalawang itlog saka Yung Fresh milk, sabay lapag niya sa maliit na mesa na nasa harapan namin tapos inagaw yung invitation card na hawak ko kaya inirapan ko ito.

Sabay sabay na kaming lumabas nun nila Lander ng condo, papasok na din kasi siya Sa companya nila at napadaan daw siya kaya dito sa condominium namin.

"San punta mo?" Tanong saakin ni Vince ng paliko sana ako ng daan. "Sa library muna." Sagot ko dahilan para kumunot noo niya.

"Gagawin mo dun?" Bumuntong hininga ako, problema ba ng isang to? Tanong ng tanong may pasa naman sa mukha. Tsk!

"May Hindi pa ako natapos sa Report ko, geh una na ako ipapasa ko na yun mamaya!" Tinap ko ang balikan niya sabay tuloy papunta library. Assual kunti lang ang Estudyante ngayon, malapit na din kasi magsimula yung klase kaya malamang nandun na sa room nila yung iba.

Final BattleWhere stories live. Discover now