Chapter XV

55 6 1
                                    

Chapter XV

Hahampasin o tatadyakan ko na sana yung biglang humila at dumala saakin dito sa medyo madilim na parte ng Hotel ng bigla itong nagsalita at kaagad ko naman nakilala kung kanino ang boses na yun.

"G-galit ka ba saakin?" Medyo may panginginig ang boses nito. Umiling ako at tumingin sakanya. Kahit madilim ay nakikita ko padin ang mukha niya.

"Hindi ako galit!" Sagot ko pero nagulat nalang ako ng bigla niya ako isinandal sa pader at inilapit ang mukha niya saakin.

"Damn, eh bakit mo ako iniwasan?" Tumalikod siya saakin at napahaplos sakanyang mukha bago hinarap ulit ako.

"Hindi kita iniwasan, Look Lhian napa-praning kalang. Tara na bumalik na tayo sa loob." Sabay hila ko sakanya pero hindi siya nagpatinag. Bumuntong hininga tuloy ako. "Lhian, lets go? Hindi ako galit okey? Hey!" Kombinsi ko pero nanatili lang ito tumayo. Kaya wala akong choice kung hindi humarap ulit sakanya at gamit ang kamay iniangat ko ang mukha niya saakin.

"Sorry na." Hinaplos ko ang pisngi nito kaya bumuntong hininga siya at bigla akong niyakap Kaya bahagya akong nagulat. Humiwalay din agad ito sabay ngiti.

"Sabi mo nga tara na!" Siya na mismo ang humila saakin pabalik sa loob kaya napailing nalang ako habang nagpapahila sakanya. Weird lang?

Patuloy ang kasiyahan sa loob hanggang sa pagpatak ng alas dose, medyo marami rami na din ang umuwi. Magkakaharap kami ngayon ulit sa iisang lamesa. Malinis ito at walang laman tanging Isang bote lang. Naglalaro kami ng truth or dare, pinaikot ni Dustin yung bote at tumigil sa tapat Ni Lhian.

"Ako magtatanong, truth or dare?!" Masiglang sambit ni Tricia.

"Truth"

"Sino yung higad kanina?" Natawa kaming lahat sa nanging tanong niya.

"Just a friend of mine!" Sagot niya kaya bumulaslas talaga ang malakas kong pagtawa. Imagine? Tricia never mentioned her name pero alam agad ni Lhian kung sino tinutukoy nito.

"Alright ako na!" Pinaikot naman ni Lhian yung bote at mabilis itong umikot hanggang sa bumagal at tumingil sa harap ni Vince. Ako sana gusto kong magtanong pero yung dapat nagpaikot ng bote ang gagawa nun kaya tumahimik nalang ako.

"Truth or Dare?"

"Truth!"

"Sino ba yung type mong babae at hanggang ngayon hindi mo pa jowa?" Napansin ko ang pasimpleng paglunok ni Vince sabay tingin sa paligid malamang tinitignan niya baka nandito yun at marinig.

"Wag niyong sasabihin ah? Kundi lagot kayo saakin. S-si Ano.... Si Natasha!"

"Uyyyyy!!"

"Yieeee! Siya lang pala eh!"

"Ligawan mo na tol!"

"Wala mahina!"

Natawa nalang ako sa pinagsasabi nila Lex, namula tuloy si Vince dun tsaka niya pinaikot ulit yung bote. Napapikit nalang ako ng saakin yung tumama. Nakangising aso na tumingin saakin ang kakambal. Pota! Wag lang kalukuhan ito.

"Ven, truth or Dare!"

"Dare!" Suminghap ako. Pag kasi truth baka kung ano pang ang itanong niya at naku.

"Nice... I dare you to Uhm---saglit!" Tumingin siya sa taas at nag isip, may ibinulong sakanya si Tricia at pareho silang natawa dun kaya kaagad akong kinabahan. Oh! Damn! Wag lang talaga kalukuhan.

"Halikan mo si Lhian."

"WHAT?" nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi ng kakambal kong may nakakalukong ngiti. Tumingin ako kay Lhian na may malawak din ngiti sa labi.

"Is it fine?" Nahihiyang tanong ko sakanya na kaagad namang tumango kaya mas nahiya pa ako, lumunok muna ako saglit at dahan dahan inilapit yung mukha ko sakanya.

Hingang malalim, pigil hininga ako nun, wala sa labi ang balak kong halikan kundi sa Pisngi lang pero ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng biglang may tumulak saakin at saktong sa bibig niya ko siya nahalikan. Kaagad ko siya tinulak at umiwas ng tingin.

"Ayieeeeee!"

Nangangamatis na ang mukha ako dahil sa hiya at hindi na ako makatingin sakanya ng diretso. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil dun . Mabibigat ang hininga ang mga pinakawalan ko. Ng medyo nakabawi na ako ay pinaghahampas ko si Dustin na siyang tumulak saakin. Panay iwas at sorry naman ito pero tumatawa padin. He's insane.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising wala kaming pasok dahil sabado. Ako na mismo ang nag luto ng umagahan dahil natutulog pa si Vince. Nang matapos ay lumabas muna ako sa Condo at pumunta sa Isang bake shop at bumili ng Vanilla Cake . Pagbalik ko ay hindi parin gising si Vince kaya napailing nalang ako.

Naligo nadin ako dahil wala na akong ibang gawin. Pagkalabas ko ay sawakas nagising din ang Kakambal ko. Naka topless lang ito habang kinukusot ang mga mata.

"Good morning, Aga mo nagising ah?" Nasa couch ulit siya habang nakaharap sa TV nanonood ng Tom and jerry. Napangiwi nalang ako.

"Morning din!"

"Nga pala, san lakad mo? Nakabihis ka at may cake and balloons din. Para saan yun may mag b-birthday ulit ba?"

Pag ba may cake at balloon birthday kaagad? Ulol.

"Nope! Pupunta ako sa bahay, kakausapin ko na si mom!" Agad na nanlaki ang mata niya at parang nagising nalang ang natutulog niyang diwa dahil sa sinabi ko. Kaya natawa ako sa naging expression niya.

"Sama ako saglit lang!" Agad siyang tumakbo papasok sa Kwarto para maligo at mag bihis. Paglabas niya ay nakasuot ito ng Simpleng Gray na Shirt at Half pants. Kumain na muna kami ng agahan bago inayos ang condo at lumabas na.

Pasakay na kami ng elevator ng bigla tumunog yung cellphone ko, kinapa ko ito mula sa Shoulder bag ko at sinagot. Si Daddy yung tumatawag.

"Good morning da-----"

"Si Mommy mo sinugod sa hospital!"

"W-WHAT?" agad akong nataranta.

"Sino yan? Bat ka sumisigaw?"

"Si Mom d-daw sinugod s-sa ospital!" Naiiyak kong sabi kaya napayakap kaagad ako kay Vince. Sinabi ni dad kung saang hospital kaya pagkabukas ng elevator ay halos takbuhin nanamin ang daanan papuntang parking lot. Kotse ulit ni Vince ang ginamit namin.

Kaagad kaming nakarating sa hospital at dali daling pumunta sa E.R naabutan namin dun si Dad hindi mapakali at nang makita niya kami ay Napayakap kaagad saamin.

"D-dad what happened? B-bakit siya sinugod?" Kaagad na tanong ni Vince.

"Your mom is sick---" umiwas ito ng tingin, mag sasalita pa sana ng biglang lumabas yung doctor.

"Family of the patient?"

"Doc. Kamusta ang asawa ko?" Agad na lumapit kami ito sakanya.

"Stable na ang lagay niya Mr. Waltz Pero Can we talk in my office?" Tumango si Dad at sumunod sa doctor kinabahan ako bigla, pakiramdam ko ay Seryoso ang magiging usapan nila. Muli ako napatingin sa E.R ng bumukas ito at inilipat si Mom sa isang private room. Pumasok kami dito at naiwan munang magbantay.

"W-what do t-think Vince?" Naupo ako sa tabi ni Mom at hinawakan ang kamay niya, Tumabi naman si Vince saakin at hinagod ang likod ko. "I dont k-know Ven!"

"K-kung hindi malala ang lagay ni Mom, hindi na kailangan pang mag usap nila dad at ni doc. ng pribado hindi ba? Vince! B-bakit ngayon pa, kung kailan handa na ako?" Pinunasan ko yung luhang lumandas sa pisngi ko at napabuntong hininga.

Life is really unfair. Kung kailan sana magiging okey na saka naman dumating ulit yung pagsubok at lalaban ka nanaman, nakakapagod din minsan. I really hate this life.









***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Final BattleWhere stories live. Discover now