"Atty. These are the documents na hiningi nyo po." Tila malalim ang iniisip ni Sid dahil hindi nya napansing dumating na ang assistant nya. "Atty? Atty?"
"Yes!"
"Lalim po ng iniisip nyo a. Babae po ba?" panggagalit ni Chin sa kanyang boss. Ngumiti lang si Sid dahil tama sya. Babae nga.
"Babae nga. Tsk alam mo Atty. ligawan mo na agad. Baka maunahan ka pa. Sige ikaw din po, bahala ka."
"Chin, satingin mo?"
"Atty., may free time po kayo later 3:10 pm. Clear po iyon kaya kung gusto nyo, puntahan mo na sya, date kayo" Sabay taas baba ng mga kilay nya.
"Ms. Chin."
"Yes, Atty?"
"Clear my afternoon, I need to meet a VIP."
"Ohh...okay Atty." Agad na umalis si Sid sa kanyang opisina at itinext ang babaeng kanyang muling liligawan.
---
SASHA
"Ms. Umali, we are not getting any younger. We need to go."
"Yes, sir." Agad kaming pumunta sa meeting room. I looked at my watch, one hour and a half nalang. I just shutdown my phone para walang makakatawag or hindi ako makapagbasa ng texts. I need him to stay away from me.
Natapos na ang meeting at lumipas na rin ang one and a half hour. 3:00 na.
"Kuya Dindo, mall tayo."
"Sir..." Sasha, tama ba ang gagawin mo? Bahala na. "May emergency po. I need to go."
Hindi ko na inantay ang isasagot ni Sir Sebastian at agad na akong bumaba mula sa sasakyan at nagpara ng taxi.Sana maging tama na ang desisyon ko. Sana hindi na ako magsisi sa mga gagawin ko. Sasha, if this won't work between the two of you, last mo na 'to.
---
"Sir..." tawag ni Kuya Dindo kay Sebastian na sinusundan lang ng tingin si Sasha habang sumasakay ng taxi. "Mukhang emergency nga po talaga."
"Kuya, sundan natin si Ms. Sasha." Matigas na utos ni Sebastian kay Dindo.
Agad namang tinawagan ni Sebastian and numero ni Sasha ngunit cannot be reached ito.
"Ano ba?!" Nagulat si Dindo sa biglang singhal ng kanyang boss.
"Sir Seb, ok lang po ba kayo?" halata sa mukhan nitong nag-aalala at mainit na ang ulo. Ilang ulit pa nitong tinawagan ngunit hindi talaga ito nasagot.
"Oh! dito ang emergency ni Ms. Sasha?"
Sa may malapit na malaking park nakita nilang bumaba si Sasha at halata itong balisang balisa.
"Sir Seb, bababa po ba kayo?"
Nakatitig lang si Sebastian kay Sasha ng matagal. "No. Mall na tayo, Kuya Dindo." Nang nakita nyang umupo lang ito at tila ba tingin ng tingin sa kanyang relo ay napagdesisyonan na nyang umalis.
"Ok Sir."
---
SASHA
Pagkababang pagkababa ko ng taxi agad hinanap ng mga mata ko si Sid ngunit walang Sid Dela Rosa akong nakita.
"Tsk... 3:20 na." Bulong ko habang nakatingin sa relo ko. Naupo nalang ako sa isang bench habang nag-aantay.
Lumipas na ang ilang minuto, oras, walang Sid na nagpakita. Sakit talaga pag umaasa. Masakit talaga kapang nag-aantay sa wala naman pala. Pinahiran ko nalang ang mga luha kong unti-unting pumapatak habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
The Last Us
General FictionIt is not about the beginning, it's all about who you became on each other's lives at the ending.