"Kailan ka ba makakabayad, Sasha?! Tatlong buwan na akong nagpapasensya sayo! Alam mo umalis kana dito!!" Sigaw sakin ng landlady namin na si Ate Tetang.
"Saglit lang po!! Hindi pa po kasi ako na kakasahod--"
"Ilang sahod pa ba ang aantayin ko para makabayad ka?! Sasha naman hindi ito bahay ampunan na wala kang babayaran. Magbayad ka!"
"Pangako--"
"Pangako?! Umalis kana. Pagbalik ko ayoko ng makita ka dito. Gusto ko nakaalis kana at wala na ang mga gamit mo at pagmadadatnan ka pa kita dito mamaya, tatawag na talaga ako ng tanod!!"
"Ate Tetang--" Umiling nalang sya.
Pang-ilang apartment na ba 'to na pinalayas ako? Pang-apat? Anim? Pito? Parang sampu na ata.
Tutulo na sana ang mga luha ko ng namataan ko so Kuya Dindo na nagaabang sakin sa may labas.
"Kuya Dindo, pwede po bang pakiantay lang po ako ng medyo matagal? Mag-iimpake lang ako."
"Sige, Ms. Umali. Aantayin po kita."
"Salamat po, Kuya."
Pumasok na ako sa bahay para magsilid ng mga damit ko sa dalwa kong bag.
Ganito na ba ako kahirap? Paano na? Saan ako ngayon? Hindi ko na alam kung saan. Lahat na ata ng apartment dito sa paligid naupahan ko na. Lahat may utang ako. Lahat sila hindi ako patutuluyin. Paano na? Bahala na.
Pagkaayos ko ng mga gamit ko, lumabas na rin ako ng bahay at agad namang kinuha ni Kuya Dindo ang mga dala ko at inilagay sa compartment ng sasakyan ni Sir Sebastian.
"Tayo na po?"
"Ms. Umali, hindi ko na kayo tatanungin kung ok lang kayo pero kaya nyo yan!"
Napangiti naman ako sa sinabi saakin ni Kuya Dindo. Bahagyang gumaan ang loob ko. Oo nga, Sasha, apartment lang yan, si Sasha ka kaya kaya mo yan.
"Salamat, Kuya. Tayo na po. Baka late na po tayo sa meeting."
"Yes, Ms. Umali."
---
SID
Napahilamos nalang ako ng mga kamay ko sa mukha ko dahil sa daming trabaho. May Hearing na ako mamaya. Tsk hindi na naman ako makakapunta kay Sasha mamaya. Puta miss ko na sya..
Tinignan ko nalang ang kanyang picture sa cellphone ko. Nag-stalk ako ng facebook nya at isinave ko ang profile picture nya. Ganda pa rin nya. Hindi nagbabago. Hindi kumukupas. Hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit kailan hindi nagbago at hindi magbabago.
"I love you, Mrs. Miss na kita."
---
SASHA
"Thank you po, Sir!" sabi ko sa huling lumabas ng meeting room.
"Congrats, Sir Fadul. Another deal closed!"
"Ms. Umali, magpareserve ka sa restaurant na lagi nating kinakainan, we'll celebrate."
---
Kumain kami at nagcelebrate dahil matagal ng nililigawan ni Sir Sebastian ang investor na iyon.
Napatingin ako kay Sir na lasing na naman. Naalala ko tuloy nung welcome party, sobrang lasing at awkward ng nangyari. Pero hindi na iyon mauulit kasi marami kami at nandito si Kuya Dindo.
---
Hindi namalayan ni Sasha na matagal na syang nakatitig sa kanyang boss kayat pagbiglang baling ng kanyang boss sa kanyang dereksyon ay agad syang umiwas ng tingin na napansin din naman ni Sebastian. Umarte na lang syang umiinom ng beer kahit na ito'y iced tea pala.
BINABASA MO ANG
The Last Us
General FictionIt is not about the beginning, it's all about who you became on each other's lives at the ending.