Bumaba ako kanina para bumili ng makakain at nagcheck na din kung may mga tao sa baba. So far wala naman. Safe akong magspend ng araw ko dito.
"Makapaligo na nga." Kumuha ako ng pambahay ko since yun nga wala namang tao sa baba maliban kay kuyang guard meaning safe akong maligo.
Pumasok na ako sa may banyo. Yes, may banyo dito sa office kaya walang excuse para maging mabaho.
---
🎶Close your eyes, give me your hand, darling
Do you feel my heart beating
Do you understand?
Do you feel the same
Am I only dreaming
Is this burning an eternal flame?🎶Ito agad ang narinig ni Sebastian pagpasok nya ng opisina. Si Sasha kumakanta habang nasa loob ng banyo.
Unknowingly, he stepped close to the door to hear her sing. Beautiful is her voice, he said in his mind. Pero bakit naman kaya sya dito naliligo?
Pareho silang nagulat ng biglang buksan ni Sasha ang pintuan. Nakasuot sya ng black t-shirt at simpleng short na pambahay at magulo pa ang buhok habang si Sebastian naman ay agad na napaurong mula sa pintuan.
"Si-Sir... ahh.. ka-kasi..."
"Sasha-Ms. Sasha. Why?"
"Kasi..." Nagdalawang isip sya sa kung ano dapat ang kanyang isasagot. "Kasi Sir, wal--"
"Just order breakfast. Hindi pa ako nakain. Antayin ko sa rooftop."
Mabilis na utos ni Sebastian dahil hindi mapigilan ang mukha sa pamumula at agad din syang umakyat papuntang rooftop.
---
Dumating na 'tong order ni Sir Sebastian so kailangan ko ng dalhin to sa taas. Pag-akyat ko naman, nandun lang sya sa may bench sa may lilim.
"Eto na po Sir ang breakfast nyo." Pagkababa ko ng kanyang breakfast akma na akong aalis pero bigla syang nagsalita.
"Sit." wow, aso lang?
Wala e, boss ko kaya sumunod nalang ako. Umupo ako sa hindi naman masyadong malayo distansya mula sa kanya.
"Here." Iniaabot nya sakin yung supot pagkatapos nyang kunin ang kape.
"Ay thank you po Sir kaso busog pa po ako."
"Don't lie. Eat."
With that, kinuha ko ng yung supot at kinain ang egg sandwich. Nakalibre pa ako ng breakfast.
"Hmmm Sir, bakit po sya napadaan ngayon dito sa office e day off po natin a"
"I should be the one asking that." He looked at me with my full cheeks."Why?"
Nilunok ko muna syempre yung kinakain ko. "May-- may tinatapos lang po ako Sir. More on for signature nyo na po. Para maayos na pagbigay ko sayo on monday."
"You know you are not entitled to work on your day off. Baka maghanap ka ng extra pay."
"No, Sir. Definitelty not."
A moment of short silence just staring at the rising lights above the city. So peaceful and quiet. Sa gantong oras sariwa pa ang hangin. Tahimik pa ang paligid. Wala pang masyadong usok.
"Call me Seb. It's saturday morning. No work meaning hindi mo ko boss today."
"I badly don't want to disrespect you, Sir. Boss pa rin kita--" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang syang bumaling sakin.
"Who are you, Sasha?" He asked seriously. "Sino ka ba talaga? Aside the ones on your resume. Tell me."
"Ahhh, pano po ba? hmmm..." Hindi ako makapag-isip kung anung pwede kong isagot. Kasi naman ang hirap ng tanong nya. "Hindi ko po alam, Sir" bigla nya akong tinignan ng masama. "Seb."
BINABASA MO ANG
The Last Us
General FictionIt is not about the beginning, it's all about who you became on each other's lives at the ending.