Chapter 1

23 2 0
                                    


Ally's Pov's

"Aray! Hoy Mytha, sigurado ka bang may paaralan dito! Araaay ughh!" Bulyaw ko sakanya. Tumitikang-tikang ako dahil sa sobrang putik at matutulis na damo. Nasa kalagitaan kami ng gubat at hinahanap ang pesteng paaralan.

"Yup! Malapit na tayo. Kaya wag ka ng umarte diyan!" Sabi niya sa'kin habang nakatingin sa mapa.

Magsasalita na sana ako. Nang may bigla akong naalala. Damn it!!


"Oh? Ba't napahinto ka diyan? Alam mo bang malap---"


Napahinto sa pagsasalita si Mytha ng bigla ko siyang tinitigan.

"Ano na naman yang mga titig mo?" Naiirita niyang sabi.

"Di kaya?"


"Anong di kaya?"

"Di kaya ito yung paaralang nababasa ko sa libro na libreng pumatay." Pahina nang pahina ang mga sinasabi ko.

Tinitigan niya ako at biglang tumawa ng malakas. Damn you!

"I'm fucking serious couz!" Sigaw ko sakanya.

"Di yon totoo! Nauulol ka na hahahah!" tawa pa rin siya nang tawa.


"Malay mo baka dito itinayo ang paaralan na iyon! Tsaka wag ka ngang tumawa walang nakakatawa!" Sigaw ko Kay insan.

"Walang ganon. Okay? Paranoid ka lang dahil nadadala ka sa binabasa mo."

"Lagot ka talaga sa'kin dahil pag yung pinasukan nating paaralan ay libreng pumatay ikaw ang uunahing papatayin kong hayop ka!"


"Hahaha! Tara na nga dami mong satsat."

Ilang minuto pa ng marating namin ang paaralan. Nakatayo na kami sa harap ng paaralan na tagaktak ang pawis namin.


"Fairquell University?" Patanong na sabi ko.



Tiningnan ko si insan dahil di niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa paaralan animo'y namamangha. Tsk. Para siyang timang!


"Hoy! Tutulo na laway mo!" Natatawang sabi ko. Tinignan niya ako at nginisihan.


" Now tell me na mukha bang libre pumatay dito." She rolled her eyes at nag flip hair pa ang loka!


Aaminin ko namangha talaga ako sa university na'to kahit may nakaharang man na malaking gate dito ay natitiyak kong sobrang ganda sa loob ng university na'to. Sa labas nga ay parang paraiso na. May nakakalat na bulaklak sa harap ng gate at may nagliliparang butterflies. Pero nagtataka ako kung bakit sa gitna ng gubat itinayo ang university na'to!


"Insan, tutulo na sipon mo hahaha!" Inis akong napalingon sa kanya.


"Joke hahaha Tara pa-enroll na tayo." Sabi niya at inakbayan ako.


Pumunta na kami ni Mytha sa harap ng gate. Nagulat kaming dalawa ng may biglang nag flash na words sa gate at nagsalita.


"Please Insert your Fairquell Card"


"Anong card pinagsasabi nito?" Tanong ko kay Mytha. Nagkibit balikat lang siya.


"Paano tayo makakapasok? Tingnan mo kaya sa mapa."


"Walang nakalagay. Daan lang to papunta dito."



"Eheeem."


"What the hell!" Sabay kaming napalundag ni insan ng may biglang sumulpot.


"Jusko Manong! Aatakihin ako sayo!" Sabi ni insan habang nakahawak pa sa dibdib niya.


"Pasensya na, Janitor po ako at dito ako naka assign. At napansin kong parang nagtatalo kayo" Sabi niya.


"Magpapa-enroll ho sana kami, Can you help us?" I asked.


"Ah bagohan po pala kayo. Don po kayo pumasok sa second gate. Di kayo makakapasok diyan mga fairians lang" Nakangiting sagot niya.


"Fairians?" Sabay naming tanong ni insan.

"Ahh mga studyante po dito. Fairians po tawag sa kanila."

"Okay, thank you po Manong."


Pumunta na kami sa second gate at nag flash na naman ng words na "WELCOME TO FAIRQUELL UNIVERSITY" tama nga si Manong na makakapasok kami dito. Walang pag alinlangang pumasok agad kami ni insan.

Oooooommmg! Is this real?



•Msjohanah•

Teacher's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon