CHAPTER 4

11 1 0
                                    

Ally's Pov's

Pagdating ng delivery ay nagbayad na kami at kumain. Hindinna kami nagdaldalan pa ni Mytha dalil male-late na kami.

Nang makababa na kami ay buti nalang may naabutan pa kaming school bus. Kaya sumakay na kami ni Mytha umupo na kami sa pinakadulo. May iilang estudyante na ngumingiti at bumabati sa amin.

Nang nasa school na kami ay hinanap agad namin ni Mytha ang room namin sa third floor. Nang mahanap namin ang room ay pumasok na agad kami at umupo sa dulo.

"Ahmm.. Classmates may ipapakopya lang daw si Sir sa'tin pero papasok daw siya mamaya" Sabi ng kaklase ko at idinikit ang manila paper sa board. Kinuha ko na ang notebook ko at sinimulan ng magsulat.

Nang malapit na akong matapos ay may pumasok na studyante at humarang sa board pero di ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.

"Hoy! Ano ba wag ka ngang humarang! Kita mong may nagsusulat dito!" Sigaw ko. Nakita kong nagbubulungan ang mga kaklase ko.

Humarap siya sa akin na may pagtatakang tingin.

"What's your name?"

Putek nakuha niya pa talagang magtanong!

"Wala akong pakealam sa pagpapakilala! Ang akin lang umalis ka diyan!"

"Ally, please tumahimik ka na" Mahinang bulong sa'kin ni Mytha pero di ko siya pinansin.

Di siya nagsalita at taka paring nakatingin sa akin. Ah alam ko na siguro siya ang badboy sa klase na'to kasi niisang kaklase ko ay wala man lang nagreklamo. Nabasa ko na'to sa libro!

"Ah siguro ikaw yung badboy dito no! Nabasa ko na yan sa libro. Akala niyo kung sino kayo! Sino ka ba sa akala mo?"

"Teacher mo" Walang emosyong sabi niya.

Umugong ang malakas na tawanan sa room.

"Badboy ka na pala ngayon sir hahahaha!" Sabi nong kaklase kong lalaki. Napaupo ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Shit!

"Okay, This is our topic for tomorrow so don't forget to study because after we discuss that I will have a short quiz. That's all" Sabi niya at umalis na.

"Loko ka talaga hahaha" Sabi ni Mytha.

"Malay ko bang teacher natin yun. Tara na nga!"

Lumabas na kami ni Mytha sa room at bumaba. Dumeretso kami sa resto dahil nagsisiksikan sa canteen. Nang makapasok kami ay nag order na agad kami.

"Anong kinuha mong T.L.E? Si Mytha.

" Computer Hardware Services " Sagot ko.

"Cookery ako, paano yan?" Sagot ko.

"Anong paano yan?"

"Paano yan di tayo magkaklase"

"Bakit di ka ba makakasulat kung hindi ako katabi"

"Suplada kang lintek ka! Pasalamat ka meron ka ngayon"

"This is your order ma'am"

Sinimulan ko ng kumain. Si Mytha ay daldal pa rin ng daldal. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room. Pagbalik namin sa room ay nandon na lahat ang mga kaklase namin.

"Tara bilis wala pang teacher" Sabi ni Mytha. Pumasok na kami ni Mytha.

"Why are you late?" Sabi nung studyante na nakatayo sa gilid ng upuan namin.

"Pake mo! Di ka naman namin teacher"

"I'm your Math teacher" Sabi niya habang palapit sa'kin.

Doon ko lang napansin ang kaibahan ng uniform niya sa kaklase kong mga lalaki, yung uniform niya ay may badge. Yung teacher naman kanina ay hindi siya naka uniform kaya di ko nahalata.

"I'm sorry Sir, I didn't know" Sabi ko at yumuko.

"Sheeet! Ilang ulit na akong napahiya pwedeng si Mytha naman lord huhu.

"It's okay, What's your name?"

"Ally Amberr Morgan"

"Ally Amberr, your name suits you. Beautiful" He said with flirty voice then he wink at me. Flirt!

Pumunta na siya sa harap at nagdiscuss. Ilang oras bago siya matapos at nagbigay din siya ng ilang assignment.

"Okay goodbye class! See you tomorrow" Pagkasabi niya ng 'see you tomorrow' sa akin talaga siya nakatingin kinindatan pa ako bago umalis. Flirt!

•Msjohanah•

Teacher's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon