Chapter 2

70 9 0
                                    


-KRIS-

Di ako makagalaw dahil sa sobrang gulat.

Hindi ko inexpect na makaka-experience pala ako ng ganitong senaryo. Huhu

Can I go home na?

Pretend I didn't audition?

OMG.

"Oh, ano? Di ka marunong kumanta!?", muli ay sigaw ni Seven.

Kaya, sinampal ko siya nang napakalakas! Da!

At sinipa ang kanyang private part. Bwahahahaha! Tumba siya!

"Tama na. Suko na ako.", pagmamakaawa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagsasabing 'Oh ano? Mag mamaldito ka pa?'
.
.
.
.

Pero sadly, imagination ko lang yun. Huhu. Sino ba naman ako para saktan siya. I'm just a poor guy living in a very simple way. Chaar. Tama na ang drama please?

"F*ck, you even let this mute guy audition?", sabi niya habang nakatingin sa mga judges kasi nga, di ako sumagot.

Gustong-gusto ko na talagang lumabas.

"Walang kwenta!", sigaw niya.

"Tama na Seven.", pag-aawat ni Glenn. Tapos si Easel naman, nananahimik lang sa may gilid.

"Stop this bullsh*t!, itigil niyo na ang walang kwentang audition na'to. Wala rin naman kayong makukuhang kalebel namin.", seryoso niyang saad tapos dahan-dahang nagsimulang maglakad paalis.

Pero, sa isang saglit, kahit di ko alam kung bakit at kahit kinakabahan, biglang bumuka ang aking bibig.

"I close my eyes, and I can see,
A world that's waiting up for me,
That I call my own.
Through the dark, through the door,
Through where no one's been before,
But it feels like home."

Hindi ko alam pero kumakanta na pala ako.

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isipan ko at napakanta ako bigla. Siguro gusto ko lang sabihin sa malditong Seven na'to na hindi ako mute gaya ng sinabi niya kanina. Tse!

At dahil nga sa fact na kumanta ako, napatigil silang lahat pati si Seven.

Nakinig.

Tahimik.

"Cause every night I lie in bed,
The brightest colors fill my head,
A million dreams are keeping me awake,
I think of what the world could be,
A vision of the one I see,
A million dreams is all it's gonna take,
A million dreams for the world we're,
.
.
.
.
. gonna make."

Pagkatapos kung kumanta, pumikit ako nang higit pa sa pagpikit. Meegash I feel like I'm dying na.

Nagustuhan kaya nila?

Ewan ko, nagustuhan ba?

Tapos ilang segundo ang lumipas, biglang nagpalakpakan ang mga judges kaya napadilat ako.

Dumako naman ang mga mata ko sa mga mata ni Easel na namamangha.

"Waaah.", mahina niyang bulong.

Si Glenn naman ay parang walang reaksyon.

At napansing kong hindi man lang tumingin pabalik si Seven tapos pinagpatuloy ang kanyang naudlot na pag-alis.

Tse! Malditong bitch!

At agad-agad namang sumunod sina Easel at Glenn sa kanya.

At nang makaalis na sila, biglang tumili si Ma'am judge at mabilis akong niyakap.

The Song For Me (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon