-Kris-'Di ko pa rin makalimutan 'yung ginawa ni Seven sa'ken nung isang araw.
Ikaw ba naman masigawan? Tas sabi pa niya, hahanapin niya raw ang baho ko para mapaalis ako sa grupo nila. Huhu
Ba't ba kasi may 'Seven' pa sa banda eh. Mas okay sana kung si Easel lang yun at si Glenn tas ako.
Lord, ba't may Seven pa?
Oo, sabi ni Easel, ganyan lang talaga raw si Seven, palaging bad mood pero wala pa rin eh. I was really hurt sa inasta niya. Huhu
Sabi naman ni Glenn, sa simula lang daw ganyan si Seven tas pagkalipas daw ng ilang weeks na magiging magkasama kami, alam niya raw na mababago rin ang pagtrato ni Seven sa'ken. I really hope na sana ganun nga ang mangyari.
Sana temporary lang ang pagkamaldito ng bitch na yun. Tse!
Aaminin ko na after niya yung magawa sa akin, nakapag-isip-isip akong sumurrender at umuwi nalang kina mama, pero narealize ko rin na ba't padadaig ako sa ugali niya? Para 'to sa mga pangarap ko at wala dapat akong pakialam sa lalakeng yun. Ano siya special? prince? Kung ang iba, natatakot sa kanya, pwes, ako hindi! At hinding-hindi ako matatakot sa lalakeng stupid na yun!
"Sir Kris? Ready na po ba kayo?", nadisturbo ang pag-iisip ko nang biglang pumasok sa tent ang PA namin na si Melanie.
Nasa bukirin kase kami ngayon para mag shoot ng clips na gagawing background video para sa concert naming papalapit na.
At sa concert na 'yun, formal akong maiintroduce sa mga tao at kikilalaning bagong miyembro ng bandang STAR! O di ba! Sisikat na ako! Hohoooo.
"Oo ready na po.", magalang kong saad sabay tayo mula sa pagkakahiga sa kama ko. Nandito kasi ako ngayon sa tent namin nina Easel, Glenn, at nung stupid na si Seven. Lahat sila ay nasa labas na maliban sa'ken na gusto munang mapag-isa para makapag-isip-isip. At ngayon nga, tinawag na ako ni Melanie kasi magsoshoot na raw.
"Ready....action!", sigaw ng direktor namin ngayon na si Direk Lopez na sa mukha palang, alam mong masungit na. At dahil nga sa pagsigaw niya, nagsimula ng umakting si Easel.
Siya kasi ang unang isinalang.
Nakatitig lang ako sa kanya.
Nakangiti at dahan-dahang niyang sinasalo ang mga tuyong dahong nahuhulog mula sa mga kamay niya.
"Ngayon, tingin sa taas!", sigaw ulit ni Direk na sinunod naman ni Easel.
Para akong natatawa na naaamaze sa nakikita ko ngayon. Natatawa kasi wala lang, nakakatuwa lang tingnan si Easel na umakting nang napakaseryoso. At naaamaze kasi ang galing niya!
"Ikot nang dahan-dahan!", si Direk.
Mga ilang minuto rin ang lumipas nang matapos ang parte ni Easel.
"Wow galing ah.", sabi ko kay Easel nang pumunta na siya sa kinaroroonan namin.
"Siyempre.", sagot niyang nakangiti.
Ngayon, si Glenn naman. At mas kinabahan pa ako baka kasi, ako na yung susunod. Huhu.
Ngayon, pinaupo naman siya sa isang bench na kasama sa dala naming napakaraming props.
"Action!"
Ang seryoso ni Glenn habang nakaupo at parang nag-iisip ng isang napakahalagang bagay.
"Tingin ka na ngayon sa itaas!", sigaw ni Direk.
At ayun nga, napakaswabe ng pagsagawa ni Glenn sa utos ni Direk. Yung parang mamamangha ka talaga kasi parang 'di acting, at totoong-totoo ang ginagawa niya. Huhu, sana magiging ganyan din ang performance ko mamaya.
BINABASA MO ANG
The Song For Me (BOYXBOY)
Romance"You are the most wonderful song I will listen to everyday." Musika. Ito ang buhay ni Kris. Simula noong bata pa siya ay ito na ang gusto niya, lalong-lalo na ang pag-awit. At ngayong naaabot na niya ang kanyang pangarap dahil sa pagsali sa isang si...