-KRIS-"Sorry sir Kris. Hindi kasi kita nasabihan kaagad na bawal pumasok ang ibang tao sa rest room ni sir Seven. Ayaw na ayaw niyang may ibang taong gumagamit ng mga bagay na sa kanya. Kaya siguro wala siyang pakialam kung nakahubad lang siya sa loob kasi wala siyang ineexpect na ibang papasok.", pagpapaliwanag ni Ate Risa, yung nag-iisang katiwala sa mansyon. Akala ko marami silang katulong. Iisa lang pala.
Nandito kami ngayon sa sala. Kasama ko sina Glenn, Easel, at si Ate Risa. Tapos si Seven naman, ayun, nakakulong sa kuwarto niya. Ayaw niya raw makita ang pagmumukha ko. Che!!!!!
Hindi ko naman kasalanan yun eh. Siya yung nagtotootbrush lang pero nakahubad? Duh? Bata ba siya? Baby? Baby? o di kaya'y Alien?
"Ah. Ganun po ba. Sorry po talaga. Hindi ko kasi alam.", magalang kong sagot. Oo MAGALANG. Haha
Mabait naman kasi talaga ako sa gawa. Ang utak ko lang yung sobrang napakasama. Si mama kasi nagturo saken na kapag galit or naiinsulto raw ako, sa isipan lang daw ako magmukmok para hindi na lumaki pa yung kung anong problema ang hinaharap ko.
Oo nga pala, mabuti kasi may banyo pa pala sila for guests. Dun ko nailabas yung dumi sa katawan ko. Haha
"So ngayon sir Kris, siguro sa guests' restroom ka nalang muna magbabanyo unless may magpapagamit kina Glenn at Easel.", sabi ni Ate Risa tapos tumingin sa dalawang lalake sa harapan namin na para bang nagpaparinig.
"I'm willing po.", agad na sambit ni Easel sabay tayo.
Chaaar. Ang bait niya talaga.
"Oh. Ayan. Willing naman pala mag share si sir Easel eh.", sabi ni Ate Risa.
"Easel's rest room has shade of green. Pwede mo yung gamitin kahit kailan mo gusto.", bigla namang saad ni Glenn habang nakangiti.
"Hoy Glenn. Dapat ako 'yung magsabi non, hindi ikaw.", seryosong saad ni Easel na tinawanan namin.
Nakakatuwa naman 'tong si Easel. Balita ko kasi, siya yung pinakabata sa kanila.
"Go on. Sabihin mo ulit yung linya ko.", biro ni Glenn na sineryoso naman ni Easel.
"You can use my rest room anytime you want Kris. Anytime. Don't worry. Hindi ako naghuhubad sa loob.", sabi niya na sinabayan naman namin ng tawanan.
Sana ganito nalang palagi, wala yung napaka-KJ na malditong bitch.
Pasalamat siya, mababait at masisiyahin yung mga kasamahan niya, dahil kung hindi, siguro ang boring ng life niya.
Pagkatapos naming mag-usap sa sala at pagkatapos akong masabihan ng mga rules and regulations ni Ate Risa na halos lahat ay related kay Seven, ay inihatid na niya ako sa kuwartong gagamitin ko.
At pagkapasok namin sa loob,
Woooooahhhhhh
Ang ganda naman!
Obvious na obvious na pangmayaman.
At napakalinis pa!
Malayong-malayo sa kuwarto kong puno ng stickers ang dingding tapos nakakalat pa ang mga kagamitan. Haha
"Pagpasensyahan mo na sir Kris ha? kung ito munang guest room ang gagamitin mo sa ngayon.", sabi ni Ate Risa.
"Okay lang po. Wala pong problema."
Pero sa isip ko,
Omeegassh! Walang-wala po talagang problema, napaka okay kaya! haha
BINABASA MO ANG
The Song For Me (BOYXBOY)
Romance"You are the most wonderful song I will listen to everyday." Musika. Ito ang buhay ni Kris. Simula noong bata pa siya ay ito na ang gusto niya, lalong-lalo na ang pag-awit. At ngayong naaabot na niya ang kanyang pangarap dahil sa pagsali sa isang si...