Chapter 3

65 11 6
                                    


-KRIS-

"What!, I can't accept this!!!!", sigaw ng lalake sa aking likuran.

Sabay-sabay naman kaming napalingon.

"Oh. Seven, you're here.", bati ni Manager.

"Yes I am! And I object having a new teammate sir!"

Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya.

Ano daw? Ayaw niya? Bakit? Siya ba manager? Eeeew, assuming. Dati, idol na idol ko siya. Pero ngayon, duh. Konti nalang ang paghanga ko sa kanya.

"Sorry Seven but we have made our decision.", nakangiting wika ni Director Suarez.

"What!? You've made your decision without me!? Oh My God! I'm the leader of the band thus making me able to decide who's gonna be in my team.", sabi niya na para bang hari.

'Di nila alam, umuusok na yung ilong ko sa irita. Bakit ang spoiled niya? Malayo sa mga mababait na taong nakilala ko. Siguro, kasi mayaman siya. Duh, bahala siya!

Basta ang importante, natutupad ko na nang unti-unti ang mga pangarap ko. Kahit di niya ako gusto, kakayanin ko para kina mama at papa.

"Okay lang yun Sev. Diba nga kung mas marami, mas masaya.", biglang pagsabat ng kanina pa tahimik na si Glenn.

Pero hindi siya pinansin ni malditong bitch.

"Can you please think again?", pagmakakaawa ni Seven kina Manager at Director.

"Seven. Let's accept their decision na. Sure ako magiging masaya ang lahat.", parang batang pagbigkas ni Easel na nagpangiti sa akin.

"Sorry talaga Seven. Final na ang aming desisyon.", muli ay sabi ni Manager.

"Masasanay ka rin Sev.", dagdag naman ni Director.

Dahil alam niyang wala na siyang magagawa, bumuntong-hininga nalang siya.

"This is insane.", bulong niya habang nakayuko.

Tapos itinaas niya ang kanyang mukha at tinitigan ako.

"You better be good kid.", sabi niya sa akin na may tono ng pagbabanta.

Kid mong mukha mo!

At ngumiti nalang ako kahit ayoko.

Ilang segundo ang lumipas, wala na rin siya sa paningin ko. Mabuti kasi ayokong tumingin sa mga walang modong tao!

"Welcome Kris.", bati ni Glenn bago siya lumabas din.

"Hi Kris.", bati naman ni Easel na parang tuwang-tuwa.

Mabuti pa sila, ang babait. Sana, two members nalang sila tas si Seven ay isa na lamang pulubi diyan sa gilid para naman maranasan niya ang hirap ng buhay. Hahaaay. Kung pwede lang.

.
.
.
.
.

Naglalakad na ako sa labas ng building para umuwi at ibalita kay mama ang napakagandang news nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran.

"Kris!"

"Director Suarez?"

Pagdating niya sa harapan ko, hinabol niya muna ang kanyang hininga dahil sa pagtakbo.

"I just have to say something to you."

"A-ano po yun?"

"It's about the gay thing."

"Ahh, yun po ba. I promise po na itatago ko yun sa kanila. Susubukan kong umakting.", biro ko.

Ngumiti siya pagkatapos ay nagsalita.

The Song For Me (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon