-Kris-"Hmmmmmmmm.", I stretched my arms and legs habang nakahiga rito sa kama.
Ang sarap namang gumising sa isang napakamaaliwalas na umaga. Nakakapagbigay ng payapa rin yung sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kuwarto ko mula sa nakabukas na bintana.
At ang ganda ring ilibot ang mga mata ko sa napakasosyal na kuwartong 'to! With paintings na alam mong mamahalin. Kahit plain colors lang yung gamit, alam mo na agad na gawa ng isang pintor na high class.
I feel like a princess! Tsar.
"Yaya, san na 'yung breakfast ko?", mahina kong bulong. Kunwari pinapraktis ko yung pagiging isang prinsesa. Haha.
"Ah, gutom ka na ba?", biglang tanong nang kung sinong nasa may pintuan.
What!?
What!?
May nakarinig nung pagpapraktis ko!? Megaaash.
Agad naman akong umupo mula sa pagkakahiga.
"Ea-easel?"
"Oh I'm sorry Kris for going in without your permission.", nakangiti niyang saad habang kinakamot ang ulo niya.
What!?
Narinig ni Easel yun?
Noooooo.
"O-okay lang. Nagrerecite lang ako ng tula. Hehe", pagsisinungaling ko.
Kumunot yung noo niya, siguro nalilito lang siya kung may tula bang 'Yaya nasan na yung breakfast ko' haha. Pero salamat at binalewala niya lang.
"Okay.", saad niya.
"Kanina ka pa ba diyan?", I asked.
"No. Ngayon lang din. I was checking kasi kung gising ka na ba para may kasabay akong magbreakfast."
"Sina—"
"Glenn at Sev? Ah, kanina pa tapos yung dalawa."
"Ah, si-sige. Susunod nalang ako Easel. Mag-aayos lang muna.", sabi ko tapos ay ngumiti na nginitian niya rin.
"Sige Kris. I'll wait for you sa dining."
.
.
.
.
.
.
.Magkaharap kami ngayon ni Easel dito sa hapagkainan habang kumakain.
Diyos ko! 'Di ko maiwasan ang panoorin ang mukha niya habang kumakain.
'Di ko rin kasi akalaing hahantong ako sa ganito. Yung magiging kasabay ko na sa pagkain ang mga nooy iniidolo ko. Akala ko sa panaginip lang, pero ang bait mo Lord! Sobra! Thank you!
Biglang sumakit ang ulo ko.
"Oh, may problema ba?", tanong ni Easel nang hawakan ko ang ulo ko.
"Sumakit bigla."
"Ah siguro dahil yan sa pag-inom mo kagabi. Naparami ka kasi ata ng pag-inom eh. Haha", sabi niya.
"Te Risa? Pwede ka bang makaluto ng soup?", magalang niyang request kay ate.
"Sige po sir."
Pero teka.
Teka.
Inom?
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi.
Hmmmmm.
Oo nga!
May celebration nga pala kagabi kung saan niyaya ako ni Chloe na uminom.
Kaya pala, sumasakit ang ulo ko ngayon. Huhu.
BINABASA MO ANG
The Song For Me (BOYXBOY)
Romansa"You are the most wonderful song I will listen to everyday." Musika. Ito ang buhay ni Kris. Simula noong bata pa siya ay ito na ang gusto niya, lalong-lalo na ang pag-awit. At ngayong naaabot na niya ang kanyang pangarap dahil sa pagsali sa isang si...