Courting?
Panliligaw?
O kahit na ano pa yan sa kahit na anung lenggwahe pa iyan never ever kong gagawin yan! That's my oath taking to myself. I never do that sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko. Alam mo yun para patas sa bawat isa sa kanila. Para kase sakin kapag ganitong relasyon, hindi naman ito nagtatagal. Walang may kayang magtagal, walang may kayang manindigan kaya bakit maglalagay pa ng effort?.Hindi ko naman sila masisisi dahil ikaw ba naman ang husgahan at pandirihan ng madla at wala ka ng mukhang maihaharap pipiliin mo pa din ba magstay sa ganitong klaseng relasyon?
Kaya kapag may kaflings ako hindi ko na nilalagyan ng label, hindi ko sila pinipilit magstay sakin kaya kung gaano sila kabilis pumasok sa buhay ko ganun ko din sila kabilis palayasin sa mundo ko. Ayoko din naman na masabing pagmamay ari ako ng isang tao kase Para sa lahat ako! If someone begging for my love, I don't give any damn! Binibigyan ko sila ng warning na don't put any emotion kapag nasa kamay ko sila dahil participation lang yung kaya kong gawin na panandalian.
This is me! Yvie Ryle Arcelo! And everyone knows how I messing up someone's life in a snap. At sabi ko sa sarili ko at sa mga kaibigan ko...
"Hindi ako magpapakabaliw sa pagmamahal ng tulad ninyo nina Roian at Shann....I will never put my heart in a dangerous area called heartbreak.....putulin nyo pa ang mga daliri ko!" I said like I dont give a damn about it.
And in a snap! Para akong namaligno!
Nandito ako sa harap ng bahay nila. May dalang bulaklak at chocolates. At mukhang stupid!"Helga's daughter what are you doing here?"
Parang gusto kong mahimatay! Yung nanay nya! Yung masungit nyang nanay na wala pang ginagawa at sinasabi ay parang nilalamon na yung kaluluwa ko.
She is Dominique Zyre Santillan Espinosa. Nanay ng babaeng bumihag ng puso ko..ang babaeng laman ng puso at panaginip ko sa araw at gabi. Si Andrea na talaga para sakin pero hindi ko alam kung ilang santo ba ang dapat kong tawagin para lang tulungan akong mapatunayan sa harap ng mga magulang na malinis talaga yung intensyon ko.
"A-eh dadalaw po sana kay Andrea." Pinipilit kong inaalis yung kaba ko.
Parang puputok na yung puso ko ng tumaas yung kilay nya sakin."Saan mo nakuha yung ganyang estilo? Sa google?" Tanong nya ng walang bakas ng emosyon sa mukha ko. At tinitigan ako partikular sa mga dala ko. Promise naghahabol lang ako ng hininga masabi lang na buhay ako!
Lintek! Nagpractice pa man din ako sa harap ng salamin kapag ganitong sitwasyon na kapag nanay nya yung nakaharap ko. Kaso wala mabilis pa sa hangin nawala lahat lahat ng tapang ko.
"I heard a lot from you young lady...talagang hindi ko matantya bakit yung anak ko?"tapos yung tinasan nya ko ng kilay.
"Mahal ko po kayo...ah! I mean yung anak nyo po..." sukdulang pagmumurahin ko yung sarili ko sa katangahang iyon!
"Pinagloloko mo ba ako Miss Arcelo? Mahal mo yung anak ko? Pinagsasabi mo....hinatid mo lang yung anak ko nung isang gabi tapos ngayon mahal mo na? Kung balian kaya kita ng buto? Kalokohan mo..." nakasimangot nyang sabi. At napangiwi ako.
Haissst! Bakit kase hindi ako nag alaga ng image dati!
"Sige po...hindi po ako susuko hanggang sa mapatunayan ko sa inyo na mabuti yung hangarin ko sa anak nyo..." tapang tapangang sabi ko pero deep inside parang binibitay na ko sa takot sa harap nya.
"Patatagan tayo Arcelo...mark my word hindi ko ibibigay sayo ang unica hija ko!"
"Ibibigay ko na lang po ang sarili ko sa pamilya nyo para di kami magkalayo ni Andrea..." kinikilig kong sabi.
"Aba't! Stop it! Sa harap ko pa talaga pinagpantasyahan mo yung anak ko!" Doon ako natameme.
"I'm watching you!"
At hindi na nya ko pinapasok! Kainis ka Yvie puro ka kase kalokohan! Arghh! Kaya ko to! Liligawan ko muna ang mga magulang nya ng one on one!
............
Guys new story! RomCom muna tayo hahahahaha comment guys kung itutuloy ito o hindi.Reaction guys...I need it!
Lahat ng characters dito lahat eh nasa mga books na nagawa ko. Ipagsasama sama ko dito kaya mas mararamdaman nyo yung story na to kapag nabasa nyong lahat yung ginawa ko. Sobrang miss ko na kase yung Characters nina Ronby, Dominique at Russell kaya ito itatawid ko silang lahat sa isang libro hahahaha
Vote and comment guys
Thanks for Reading
~dark19
BINABASA MO ANG
Courting Andrea's Parents (GirlxGirl) Completed
Romancethis is a lesbian story. (Yvie and Andrea Story)