Yvie's POV
Wala akong maintindihan sa lahat ng papeles na hawak ko. Kung kailan nainlove ako ng ganito saka naman halos buong mundo ang tutol sayo.
Binitawan ko yung ginagawa ko at sinimulan ko na lang magstalk sa Facebook account ni Andrea. Hindi ko magawang magpadala ng friend request sa kanya kase nilalamon ako ng hiya. Kaya nakokontento na ko na ganito na tingnan kung nag upload ba sya ng panibagong picture dahil mukhang nag gagala lang sya kesa umattend ng trainning nya.
Mayamaya ay may panandakang pumasok sa opisina ko.
"Yvie! Tara!" Sigaw ni Carol. Anak ng!
"Wala ka bang trabaho?ang tamad mo." Saad ko at medyo napadiin yung hawak ko sa cellphone ko dahil sa hiyaw ni Carol.
"Wala....Nakaleave ako ngayon.. Ano tara gala?" Sabi nya na akala mo high school pa din kami na ara-arangkada ay makakalayas kami.
"May board meeting pa ko...." pagtingin ko sa cellphone ko parang mapuputol ang hininga ko dahil napadiin yung daliri ko at lumitaw na lahat ng reaction logo sa ibabaw ng like button!
"Jusko! Carol tulungan mo ko!" Tarantang hiyaw ko. Malalike ko yung post ni Andrea!
Parang nagpanic din si Carol sa inasal ko kaya lumapit sya sakin.
"Gago! I-love mo na lang yung picture maganda naman sya!" Suggestion ni Carol. Anak ng! Hindi na sya nakakatulong!
"Tang ina ka! Hindi kami friends dito!" Parang gusto ko ng umiyak sa kahihiyan malalaman nyang pasimple kong tinitingnan yung fb post nya araw araw.
"Malandi ka! Kelan ka pa natutong mag stalk ng fb na may fb!....saglit slide mong mabilis yung daliri mo paitaas para mawala!" Hiyaw sa akin ni Carol.
"Nanghihina ako hindi ko kaya!" Talagang nanginginig na yung hinlalaki ko sa pagdiin sa screen. Inay ko po parang nakakagago pa yung paggalaw ng mga emoji na reaction!
"Talandi kase!....ganito!." At kapag daka ay hinila nya yung daliri ko paitaas pero nanlaki pareho yung mga mata namin ng dumausdos yung daliri ko sa gilid.
"Tang ina Carol!!!" Hiyaw ko at talagang gusto ko ng magwala at ihataw lahat ng upuan sa office ko sa bunbunan nitong ni Carol.
Angry! Angry yung reaction na napindot ko! Kung papalitan ko iyon magnonotify pa din sa kanya na angry yun! Wala na alam na ni Andrea na ini-stalk ko sya.
"Sorry....hayaan mo mapapansin ka na ng crush mo... balik na lang siguro ako bukas...bye!" Kumaripas na sya ng takbo habang natatawa!
"Carol!!! Wag kang babalik dito!" Hiyaw ko sa galit. Wala talaga syang ginawang maayos!
Jusko anong gagawin ko! Pinalitan ko na lang na Love reaction. Bahala na!
Mayamaya may nagchat sakin. Parang nahigit ko yung hininga ko ng mabasa ko yung pangalan ng nagchat.
'The hell Yvie! Angry talaga! '
' Sorry yung friend ko kase sumigaw kanina kaya aksidente kong napindot yung Angry.''Stalker!' Sagot nya.
Wala na pakapalan na ng mukha 'to kaya heto padala na ko ng friend request sa kanya.
' Ayaw baka i-pasalvage pa ko ng mga chicks mo XD' chat nya ulit kaya napanguso ako. Wala na nga akong nilalanding iba simula nung nakilala ko sya.
'Don't worry wala akong friends dito sa fb na chicks ko...you are safe ^○^'
'WTF! Babaero!'
BINABASA MO ANG
Courting Andrea's Parents (GirlxGirl) Completed
Romancethis is a lesbian story. (Yvie and Andrea Story)