Andrea's POV"Ashie please?" Pagmamakaawa ko sa babaeng busy sa pagpe-painting at ayaw man lang akong tapunan ng isang sulyap man lang.
"My Mom doesn't like that idea....go ask Kuya Toby hindi ka nun matitiis." Sabi nya habang nagbeblend ng bagong kulay para sa canvass nya.
Napangiwi ako sa suggestion nya. Napakahonest nun kay Baba.
"Hindi naman malalaman ni Tita Harra at Tita Russell kung hindi ka magsasabi...dali samahan mo na ko." Sabi ko. Her parents never knew this kung isisekreto lang naming dalawa like the old times.
"Funny." Sarcastic nyang sabi.
"Ngayon lang tapos di ko na uulitin promise....sobrang gusto ko lang masilip yung bar sa forth street." Sabi ko.
"You can see it by day no need na sa gabi mo pa ito puntahan...isa sa mga architect ni Tita Kier yung may ari nun...sabihin mo ipakilala ka kay Miss Shannon then ask her kung pwedeng sumilip dun sa bar nya. Simple as that hindi yung tatakas ka pa. Ang lakas ni Tita Kier dun kasosyo nila sa firm yung may ari ng bar na gusto mong makita." Mungkahi nya. Husay!
Eh di nabuko naman ako na nagbabar ako. Talagang maipapatapon na ko sa Madrid kung nagkataon.
"We are cousin! Bakit hindi mo ko mapagbigyan.." acting ko para mabagabag naman sya. Napaharap na sya sakin with her famous poker face. Great!
"I'm adopted. We are not connected by bloods. Stop messing around Andrea." Masungit na saad nya pero yung way ng pag akto nya para naman talagang anak sya nina Tita Harra. Parang sina Mommy lang lintik ang kasungitan sa katawan.
"Yeah! What ever!" Sabi ko at nilayasan ko na sya. Hirap talagang makiusap sa isang iyon.
Mayamaya ay nakasalubong ko si Cielo na papasok dun sa kwartong nilabasan ko.
Sya yung tunay kong pinsan. Anak talaga sya ni Tita Russell na dinala nya sa tummy nya. Magkahawig kami at mas bata lang sya sakin. From the start kase walang sikreto sa pamilya namin. Inamin nilang lahat sa amin na si Cielo ay galing sa bloodline namin. Yung mommy nyang isa eh pinsan ni Mommy na namatay sa aksidente at kapangalan ko. Nakapagpafreeze kase ito ng eggcell bago mangyare yung accident.
"Ate Andy!" Tumakbo sya palapit sa akin at yumakap.
"Gala tayo..." bungad nya. See magkadugo talaga kami.
"Cielo! You are not allowed to go anywhere! Lagot ka kina Mommy! Magdidinner tayo kina Uncle Shawn!" Sigaw nung kapatid nya.
"Napaka talaga!" Bulong ko at napatawa si Cielo. Kasing ganda talaga nya yung pinsan ni Mommy na nasa painting sa mansyon.
"Next time na lang Ate....mag oovernight na lang ako sa inyo sa susunod." At nagpaalam na papasok na sya sa kwarto ng ate Ashie nya.
Umuwi ako sa bahay namin.Haisst! Wala talagang pag asa na makakapasok ako sa bar na iyon sa forth street. Pagpasok ko nadatnan ko yung isa ko pang pinsan si Orange. Anak sya nina Tita Aya at Ninang Max. Matanda lang sya ng isang taon kay Cielo.
"Hey! Orange." Bati ko at naupo ako sa tabi nya.
"Hello..." bati nya pabalik at busy sya paglalaro ng nitendo switch nya.
"Napagalitan ka noh? Bakit nandito ka?" Tanong ko habang pinapanuod yung paglalaro nya.
"No...isang linggo na kong nagbabait sa bahay para bilhan ako ni Mama ng kotse na gusto ko. Saka tulad mo isang bira na lang eh baka maipatapon na din ako ng Madrid." Natatawang sabi nya.
"Orange...nakarating ka na dun sa bar ng forth street?" Tanong ko.
"Yeah....kasama ko yung mga college friend ko. Bakit?" Balik na tanong nya at sabay off ng gadget nya at saka nya kinuha yung cellphone nya.
BINABASA MO ANG
Courting Andrea's Parents (GirlxGirl) Completed
Romancethis is a lesbian story. (Yvie and Andrea Story)