Yvie's POV
Nagpumilit akong sumama kay Mommy na umattend ng meeting sa mga Santillan. Isa kase sa mga investor dito ang nanay ko. At yung negosyong hawak namin ng mga kapatid ko ay yung sa tatay ko.
"Nagpapacute ka ba sa anak ni Dom?" Bulong ng nanay ko at parang konting konti na lang ay kukurutin na nya ko.
"Hindi noh....concern lang ako Mommy dahil ayaw naman ng mga kapatid ko na manahin ito." Kampanteng sabi ko at tinaasan lang nya ko ng kilay.
"Tama ka dapat may magmamana nito dahil pinapatay mo na ko sa konsimisyon bata ka!" At saka ako hinataw ng nanay ko sa braso ko.
"Ouchh! Mommy...wala naman akong gagawing masama gusto ko lang sumama..." maktol ko pero piningot nya yung tenga ko.
"Bibilingin ko talaga yang mukha mo Yvie kapag may ginawa ka sa anak nina Dom!" Singhal na pabulong ni Mommy at napasimangot ako.
Napakadaming kontrabida sa love story namin ni Andrea, pero parang movie lang yan eh laging naaapi ang bida sa umpisa pero hindi na sa ending. Ghad! Ang cheesy ko ng mag isip!
Mayamaya ay sinenyasan ako ng nanay ko na sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa office nya.
"Kung gusto mong isama kita dito araw araw...all you need to do is to stay in this room during my meeting..... Naiintindihan?" Tanong ni Mommy sakin at padabog akong naupo sa sofa na nandito sa loob ng office nya.
"Hiniling ko naman ng maayos...hiniling ko sa mga anghel na bigyan ako ng mababait na anak...bakit?...anong nangyare sayo?" Talagang masakit na yung ulo ng nanay ko.
"Mommy promise magbabait na ko simula ngayon...mawasak man yung brief na suot ni Kuya ngayon.." natatawang saad ko at napasimangot lang sya.
Mayamaya ay kumatok na yung secretary nya.
"Ma'am within 5 minutes magstart na po yung meeting...pinapatawag na po kayo." Saad ng secretary nya at napatango lang si Mommy.
Mayamaya ay umalis na si Mommy. Hindi talaga ko mapalagay kapag ganitong nasa iisang lugar lang ako kaya ang ginawa ko lumabas ako ng office ni Mommy at naglakad lakad. Nakarating ako sa isa pang lobby ng kumpanyang ito at bumulaga sa akin yung mga naglalakihang portraits ng pamilya ng mga Santillan. Meron dito ay yung painting ng pamilya nina Andrea kasama ang mga magulang nyang sina Ma'am Dominique at yung Baba Ronby nya. Yung next portrait ay sa pamilya nina Orange. At yung pinaka-nakaagaw ng pansin ko ay yung isang portrait ng isang babae na nakaupo at nakatayo si Cielo sa gilid nito habang nakapatong ang kanang kamay nya sa balikat ng babae. Medyo kamukha nya ito.
"She's Andrea...yung totoong nanay ni Cielo. She died before my daughter was born....pinangalan namin sya sa kanya."
Paglingon ko yung Baba ni Andy.
"Kapag kaya na ni Cielo...kalahati ng Santillan Empire ay sa kanya na mapupunta. Sa ngayon kase yung misis ko muna yung nagte-take over.." kwento nya.
"M-magandang umaga po...pasensya na po kung palakad lakad po ako dito....nainip po kase ako sa opisina ni Mommy." Saad ko.
"No, it's okay....I heard na magaling ka din sa negosyo, ikaw daw yung bagong CEO ng kumpanya ng daddy mo?" Tanong nya sakin.
Napakamot ako ng batok ko sa hiya.
"Yung kuya at ate ko po kase balak na po nilang ipursige yung mga passion nila sa abroad. Kaya po hindi ko po mapabayaan yung kumpanyang bumuhay sa amin." Saad ko. At kaya ko na pong buhayin yung dalaga nyo gusto ko sanang idugtong kaya lang baka wakasan nya yung buhay ko. Sacry!
"Wow! That's the spirit...courting first Tita Ronby....50points agad." Natatawang saad ni Cielo bago humalik sa pisngi ni Ma'am Ronby.
Parang nilamig ang sikmura....anak ng....bubwelo ako eh!
BINABASA MO ANG
Courting Andrea's Parents (GirlxGirl) Completed
Romansthis is a lesbian story. (Yvie and Andrea Story)