Chapter 1

52 5 7
                                    

LETTER

Kiana's POV

4 hours...

5 hours...

6 hours...

7 hours...

Okaaayy, GREAT!! Just great!! Pitong oras na akong nag iintay, nag iintay ng forever ko este ng ka meeting ko. Mag mi-meet up sana kasi kami ng friend ko babae yun wag kayong ano jan, actually ngayon lang kami magkikita dahil sa RPW (Role Play World) lang naman kami nagkakilala. Ngayon sana kami mag mi-meet up kaso ang walang hiya di ako sinipot hays.

"Ma'am kanina pa po kayo nandyan, magsasara na po kami." Sabi ng Waiter dito sa resto na pinag stay-an ko.

"Ah sorry... Pasensya na may inintay kasi ako, sige aalis na din ako." Ani ko at tumango lang siya.

Nang makalabas na ako ng resto na pinag stay-an ko bigla ako napalingon sa boses ng babae.

"BESSYY!!!!"

Huwat?!?! Wait bakit siya nandito? Ano ginagawa neto dito?!?!

"Sammy?! Oh bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya.

"Oh e ikaw bakit ka nandito?! Anong oras na ah?!" Tanong din niya saakin.

"Ayun nag iintay." maikiling sagot ko sakanya.

"Nagiintay? Ng ano?" Taas kilay niyang tanong.

"Ng forever ko."

"Gaga, " Mura nya sakin sabay batok.

"Aray ko!! tae ka masaket!!" Reklamo ko at nagpatuloy maglakad at sinundan niya naman ako.

"Eh ano ba naman kasi ginagawa mo dito? Anong oras na lagot ka sa mudra mo, dahil ginabi kana ng uwi, alas diyes na kaya!!"

"Makikipag meet-up!" sigaw ko sakanya

"Huh? Kanino? Oh nasan siya?!" Pangungulit nyang tanong.

"Dami mong tanong bess, so ayun nga di ako sinipot." Bored kong sagot sakanya.

"Eh sino ba kasi yung imi-meet up mo?" Tanong ulit niya

"Si Alexie yung friend ko sa RP." Sagot ko naman.

"Yung friend mo? Sus bat di mo naman ako inaya?!" Tanong nanaman nya.

"Hay naku syempre baka ma-op ka kaya di na kita niyaya tss tara na umuwi na tayo baka hinahanap na ako." Ani ko sabay hila sakanya para bilisan nya mag lakad ngunit mali ang nagawa ko dahil pagkaharap ko ay nagkabangga kami ng isang lalaki na naka suot ng sumbrelong puti at naka black leather jacket , naka suot din ito ng mask sa mukha kaya di ko siya nakita. At sa sobrang bilis niyang maglakad na mukhang  nagmamadali ay di na rin ako nakahingi ng paumanhin sakanya.

Ngunit huli ko ng namalayan na may nahulog galing sakanya. Isang papel. Agad ko itong nilapitan at pinulot para sana ibalik sakanya dahil baka importante ito ngunit nung pagakapulot ko ng nahulog na bagay ay agad ko siyang hinanap ngunit hindi ko na siya makita. Huh? Ambilis naman maglakad non?!

"Huy ano yang hawak mo?" Tanong sakin ni Sammy.

"Papel. Nahulog to nung lalaki na nabangga ko kanina, balak ko sanang ibigay kaso nawala na agad siya sa paningin ko nung pagkapulot ko nito. " Turo ko sa bagay na hawak ko.

"Hala patingin nga ako kung ano nakalagay," Sabi niya at akmang kukuhain sakin ang papel ngunit agad ko sakanya itong nilayo.

"Wag na. Hindi naman atin to kaya wag nating pakeelaman." sabi ko

Ngunit di pa rin siya natinag "Dali na titignan lang naman ang damot." Sabi nya at umarteng nagtatampo. Hays.

"okay fine." Bored kong sagot at agad namang lumiwanag ang mukha niya.

At pagkabukas ko ng papel nagulat ako sa nilalaman nun...

(A/N) - so yun pabitin muna tayo men HAHAHAHAHA thankyou dun sa isa kong reader na sobrang supportive HAHAHA na nagpipilit saking mag update kahit walang kwenta tong storyang to HAHAHAHAHA Ipurpleyou!!! 💜




How They Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon