Save
Kiana's POV
Lumipas na ang ilang oras ay gulat pa rin ako sa nakita kong sulat hindi ko alam kung para sakin ba ito o hindi, hindi ko din alam kung coincidence nanaman ba ito o hindi?
Hindi muna siguro ako maniniwala na ako yun dahil baka nga siguro coincidence lang at saktong sa upuan ko yun nailagay.
Andito ako sa labas ngayon at naglalakad sa may hallway, itatapon ko na sana ito kaso naisipan kong ipakita muna kay Sammy ang nakuha kong sulat.
"Hey!"
Napalingon ako ng may tumapik saaking likod at nakita kong si Sammy yun.
"Anyare sayo? Bakit bigla ka nalang umalis at hindi mo man lang ako inintay?" Taas kilay niyang tanong.
Hindi na ako kumibo at ibinigay sa kanya yung sulat na nakita ko at tsaka naglakad.
Nang hindi ko man lang narinig ang reaksyon niya ay agad ko siyang nilingon at nakita ko ang ngisi sakanyang mukha habang tinitignan ang sulat. Agad na ngunot ang noo ko? Damn it! What's wrong with you? Why are you smiling?
Pagka-tingin niya sakin bigla siyang nagulat na nakita niya akong nakatingin sakanya kaya agad nawala ang ngisi nya at napalitan yun ng gulat na mukha. The heck anong meron sayo? Bakit gulat na gulat ka? Agad ko siyang tinaasan ng kilay na nagtatanong kung bakit ganyan reaksyon niya.
"A-ah g-grabe i-ikaw ba talaga yung pinapadalhan niyan OMG may stalker ka ganun? Ay hindi o baka coincidence nanaman? " Aniya niya na may naiilang na mukha at nakita ko siyang pinagpapawisan.
"Hindi ko din alam kung ako yan o hindi pero nagtataka ako dahil nung unang sulat ay 'Cin' ang nakalagay at ang pangalawang sulat naman ay yan, 'Kiana' na ang nakalagay kaya di ko maiwasang maguluhan kung coincidence pa ba yan o hindi na."
"A-ah t-tara na nga nagugutom na ako eh." Pagiiba niya sa usapan at tsaka nagpaunang naglakad.
Agad akong nagtaka sa mga kinikilos niya at sa reaksyon niya, bakit siya nagkakaganon? Anong meron? 'May tinatago kaba sakin? Kilala mo kaya yung nag papadala sakin ng sulat?' Tanong ko sa aking isipan.
Naglakad na lamang ako at sumunod sakanya.
Natapos kami kumain at eto ako ngayon sa classroom na walang maintindihan sa mga pinagsasabi ng teacher dahil yung isip ko ay lumilipad.
Natapos ang klase na wala akong natutunan o naintindihan andito ako ngayon papalabas ng school.
Hindi ko kasabay ngayon si Sammy dahil sasabay siya sa kapatid niya, nung una niyaya niya pa akong sumabay pero hindi ako pumayag. Kaya ko naman kasing umuwi mag isa.
Nakalabas na ako ng school at malayo layo na rin pero habang naglalakad ay may nakita akong mga kumpol ng kalalakihan. Nakakatakot sila dahil mukha silang gangster. Pero hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Uy pre chix oh. "
Ngayon lang ba sila nakakita ng babae?
"Uy ang ganda oh."
Puta wag nagyon.
"Lapitan mo dali!"
Binilisan ko ang lakad ko pero huli na dahil naharangan na ako nitong isa. Putek!
"Hi miss san ka pupunta?" Nakangisi niyang tanong.
"W-wag kang lalapit!" Ani ko.
Agad niyang tinaas ang kamay niya at lumakad ng nakangisi at papalapit ng papalapit saakin at eto ako palayo ng palayo sakanya.
"Chill makikipagkaibigan lang naman."
"Go away! Stay away from me!" Sigaw ko sakanya.
Handa na sana akong tumakbo ngunit anak ng tokwa may humawak sa likod ko. Fvck I'm trap!
"Oops san ka pupunta Miss?" Tanong ng nasa likod ko
"D-don't touch me! G-go away!" Ani ko habang pinipilit bawiin ang braso ko.
Agad akong nakarinig ng tawanan nila.
Hinawakan ng lalaki ang baba ko at pilit ko naman inaalis ang mukha ko sa kamay.
"Wag kasing pakipot miss, makikipagkaibigan lang naman eh." sabi niya.
"Ulol! Makikipagkaibigan? Tapos hahawak hawakan niyo? Nakadrugs ba kayo?! Gago pala kayo eh nambabastos kayo hindi nangangaibigan! Tanga!" Sigaw ko sakanya sa gigil ko.
"Ay palaban, yan yu---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may bigla nalang may nag high kick sakanya at natumba siya. Nakita ko ding sinapak niya ang may hawak sakin sa likod kaya agad akong na-out of balance at napaupo ako.
Nakita kong isa isa niyang pinatumba ang kasama nung mga nambastos saakin.
Unti unti ko siyang nakilala dahil sa itim niyang bandana sakanyang ulo at sa hikaw niya, kilala ko siya! Sino nga pala siya?!?! Ayun si Greg! Siya si Greg!
Nakita kong napatumba niya ang lahat at agad siyang lumapit sakin upang tulungan ako.
"Hey are you okay?!" Tanong niya habang inaalalayan ako.
"Y-yes, t-thank you." Ani ko.
Agad siyang tumingin sa paligid at nangunot ang noo.
"Fvck asan na yun?" Kunot noo niyang tanong.
"Sino?" Takang tanong ko sakanya.
"Si Al--- aiisshh si Khalid!"
Agad akong nagtaka. "Huh? Wala naman siya dito nung sumugod ka." Ani ko
"Aish nasan yun? Sige tatawagan ko nalang, ikaw okay kana ba? Kaya mo bang umuwi mag isa?" Tanong niya.
"Y-yes! Thank you." Sabi ko.
Ngumiti siya sakin "Sige ingat." At tumakbo paalis.
Agad akong nagtaka si Khalid? Asan yun? Wala siya nung sumugod si Greg nasan kaya siya? Hays.
Mabilis akong nakauwi at nagulat ako na may sulat sa tapat ng gate namin!!
Ano nanaman ito?!?!
Agad akong lumapit at binuksan yun.
'I will make them pay because they touch you! No one dare to touch you! '
BINABASA MO ANG
How They Changed Me
Teen FictionSiya si Kiana Grace Fumiya isang dalaga na masayahin at makulit na tao. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakatagpo siya ng isang lalaking magpapatibok ng kanyang puso ngunit ito din ang sisira sakanyang pagkatao. Paano kaya siya babaguhin ni...