Chapter 2

48 3 9
                                    

(A/N) NO EDIT


Nanaman?


Kiana's POV

Kakauwi ko lang sa bahay at eto ako niratrat ng nanay ko dahil late na nga ako nakauwi at ginatungan pa yun ng magaling kong kapatid.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakaupo sa study table ko habang tinitignan ang papel na nahulog ng lalaking nabangga ko kanina. Nagulat talaga ako sa nakasulat don dahil ang nakasulat don ay 'Mahal kita, Cin.'

Nagulat ako dahil dun sa word na 'Cin', dahil yun ang tawagan namin ni Alexie.

Ang sabi naman ni Sammy baka coincidence lang daw yun at wag daw akong assumera dahil babae si Cin at hindi lang naman kami ang may tawagan na Cin dahil meron ding mga tao na Cin ang pangalan kaya baka nga coincidence yun.

Tama nga naman si Sammy baka nga coincidence lang yun dahil babae si Alexie at lalaki ang nakahulog nun. Pero di ko naiwasang paghinalaan na baka nga lalaki si Alexie, pero meron sa parte ko na nagsasabing babae si Cin dahil pinakita na nya sakin ang tunay niyang mukha.

Pero napapaisip ako na baka poser siya at baka  kinuha lamang niya ang litratong yun. Ang gulo diba? Ganyan utak ko ngayon men!

Kaya minabuti kong mag online para kausapin si Alexie at itanong kung bakit hindi siya sumipot kanina.

Kaya lang pag kabukas ko ng aking facebook ay hindi siya nakaonline. Active 4hrs ago ang nakalagay. Kaya minabuti kong iwanan na lamang siya ng mensahe para bukas ay mabasa niya.

Me:
Cin!! Bakit di ka pumunta kanina? Inintay kita baliw ka!

Pag ka chat ko sakanya ay agad din akong nag ofline at nahiga.

Kinabukasan

Kagabi ay hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ng mga nangyari kahapon kaya eto ako ngayon nag babagal kumilos.

Ngayon ang unang araw ko sa klase dahil nag transfer ako sa school ni Sammy, buti nalang at pinayagan ako ni Eomma (mama) na mag transfer sa school niya.

Dati kasi magkahiwalay kami ng school ni Sammy, gusto sana ni Sammy na sa school ko nalang mag aral kaso naman ayaw siyang payagan ng kanyang kakambal na lumipat ng ibang paaralan dahil wala daw magbabantay sakanya at baka kung anong kalokohan ang gawin. Gaga pa naman din to si Sam HAHAHA

So yun ako na nag adjust dahil gusto ko din makasama sa school si Sammy, kaya ayan, ako nalang ang nagpalipat.

At eto ako ngayon iniintay si Sammy sa may labas ng gate namin dahil sabi niya ay sabay daw kami papasok dahil ililibot daw niya ako sa school .

"KIAAANAAANGGG!!"

At ayun na nga, dahil tinis ng boses palang ay alam mo na siya yun. Naglalakad siya papalapit sakin at nung makalapit ay agad akong binatukan. Wow.

"Good morneng mareng kianang!" Bati niya sakin.
"Ano ready kana ba?!" Tanong niya habang tumataas taas ang kilay.

"Oo sammeng ready na kanina pa nga ako nagiintay e." Sabi ko naman.

"Oh tara na!" Ani niya sabay hila sakin.

Pagdating namin sa school na papasukan namin ay agad akong napanganga sa sobrang ganda, katulad lamang ng laki nito sa dati kong school pero hindi ko pa naman ito nalilibot kaya hindi ko masabi na mas malaki nga ba talaga ito kesa sa dati kong paaralan.

"BESSYYY!! WELCOME TO OUR SCHOOL!!!" Sigaw niya saakin habang iminumwestra ang aking paaralan na lilipatan.

Agad akong napangiti dahil sa ganda nito.

How They Changed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon