Namamagang Mga Mata (August 15, 2019)

15 0 0
                                    

Di ko alam kung pano magsimula.
Paggising ko nitong umaga, magang mga mata ang aking nakikita
Mas pinili kong wag sayo sabihin
Kase ayoko na uling bawat pagtangis ko sayo ako sasandal
At baka ako'y masanay.
Dinidistansiya ko ang sarili ko
Iniiwasan kong mapalapit ng husto sayo
Tama na munang nakuha mo na ang puso ko
Pero aaminin ko, hindi pa buo ang tiwala ko sayo.
Pasensya kana.
Ramdam ko namang iba ka.
Pero kase ayoko munang masyadong umasa
Baka kase sa huli, ako'y masasaktan na naman at mapapaluha.

                      Our Kind Of LovestoryWhere stories live. Discover now